Advertisers

Advertisers

Pelikula ni Juday isasali sa Oscars; Vice Ganda type na magkaanak

0 218

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

SABI ng comedian-TV host  na si Vice Ganda, gusto rin nitong magkaroon ng anak.

Ito ang pagbubunyag ni Ogie Diaz sa kanyang latest vlog. Ayon kay Ogie, ka-text niya umano si Vice at sinabi ng una na kakarerin ng huli ang magka-supling at  nagrekomenda pa ito na may kilala siyang doctor na siyang magpoproseso.



Nag-reply naman si Vice at sinabing “Sige, karerin natin!”

Ang tanong ng ilang netizen, napag-uusapan na nga kaya nila ito ni Ion Perez na dyowa niya?

***

BONGGA ang Mindanao nina Judy Ann Santos at Allen Dizon. Ito kasi ang napili ng FAP para isali sa taunang Oscar Awards sa Best International Feature Film category.

In fairness naman sa nasabing pelikula, maganda ito. In fact, kinilala ito sa Cairo International Film Festival. Pero ang tanong, sa Oscars kaya ay makalusot ito? Alam naman nating mahirap makapasok dito.



Ilang attempt na tayo pero wala ring nangyari ‘di ba? Pero dapat ay think positive na lang tayo, na this time ay makasama na ang isang Pinoy movie sa Oscars.

At kung mangyayari ‘yun at halimbawang hindi naman ito makakuha ng award, e isang malaking karangalan na rin ‘yun para sa bansa natin.