Advertisers

Advertisers

QUO VADIS PHILIPPINE TENNIS?

0 207

Advertisers

WALANG magagawa kundi tanggapin at harapin ang katotohanan ng mga miyembro ng Philippine Team ang ipinataw na suspension sa Philippine Tennis Association (PHILTA) ng International Tennis Federation (ITF) sa positibong pananaw kipkip ang determinasyon at pagkakaisa para sa mas makabuluhang programa sa hinaharap.
Sa ganitong paninindigan ang tanging magagawa ng local tennis players, sa pangunguna ni Philippine women’s top rank player Marian jade Capadocia, na siyang direktang apektado sa dalawang taong suspension ng Philta sa International tennis body.
“Malungkot, pero kung yung failure ang iisipin mo talagang mahirap maka-move on. Right now we are barred to play in all ITF-sanctioned tournament which definitely a big blow in our quest for world ranking. Pero hindi kami humihinto, training lang, para sakaling makabalik na kami everybody are ready to play,” pahayag ng 24-anyos veteran internationalist.
Ang kakulangan sa sponsorship mula sa pribadong sektor ang malaking dagok din sa kampanya ng mga players (individually) para makalaro sa labas ng bansa.
“Kung may sponsors sana kahit papaano, makakalaro tayo sa mga tournament sa abroad outside ITF sanctioned event para madevelop din yung game plan mo. Iba rin kasi pag ang kalaban mo foreigner may iba silang sistema na matutunan mo,” sambit ni Capadocia sa kanyang pagbisita sa Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) ‘Usapang Sports’ on Air via Zoom nitong Huwebes at livestreamin sa Facebook at Youtube.
Masasabing nahasa ng todo si Capadocia sa kanyang paglahok sa serye ng tournament sa Europe nang mga panahon na may suliranin siya sa Philta leadership.
“With the help of my family before, nag-try akong lumaro sa mga tournament sa Europe. Maganda namana ng resulta dahil may pagkakataon na umaabot ako sa semifinals,” aniya.
Matatandaang nawala sa No.1 ranking si Capadocia nang maalis siya sa National Women’s Team bunsod nang hidwaan niya sa mga dating opisyal ng Philta. Sa pagkakaupo ni Atty. Antonio Cablitas noong 2017, nakabalik sa koponan si Capadocia at naging kinatawan ng bansa sa iba’t ibang international tournament kabilang ang Federation Cup dahilan para muling makuha ang No.1 ranking.
“Malungkot talaga dahil before may problema ako sa PHilta. Ngayong naayos na, yung Philta naman ang nagkaproblema sa ITF. Hopefully, maayos kaagad para makabalik kami sa ITF-sanctioned event,” sambit ni Capadocia.
Ngunit, tila maghihintay ng dalawang taon si Capadocia at ang buong National Team dahil sinabi ni Cablitas na hindi na siya aapela sa naging desisyon ng ITF bagkus susundin na lamang niya ang mga ipinagu-utos ni ITF president President David Haggerty na ‘fix the governance and representation issues’ sa Philta.(Danny Simon)