Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
TINANGGIHAN pala ni Sheryl Cruz ang papel niya bilang Veron sa Magkaagaw noong unang beses itong inalok sa kanya.
Pero nagbago ang isip niya at tinanggap niya ito.
“Siyempre di ba, when I wanted to do a comeback, kahit papaano gusto ko naman yung medyo hindi naman ako ganun kahirap dun sa sobrang napaka-challenging na role. E ngayon when it was actually asked of me, kasi sinabi sa akin ng aking agent, ipinaglaban itong role ko for me.
“Siyempre kahit papaano I have to consider also yung efforts na ginawa hindi lang ng agent ko na si Rams, kundi I have to take a second look at the offer kasi ang sabi nila sa akin talagang tailor-made itong role na ito for me.”
Si Rams David, na manager rin nina Marian Rivera at Maine Mendoza, among others, ang manager/agent ni Sheryl.
“I didn’t even expect na ganito kalaki yung role because I didn’t know na it was actually one of the leads, so kahit papaano di ba, working as Veron na career-driven person, and at the same time being the first wife tapos nun biglang magkakaroon ka ng May-December affair, di ba?
“Alam ko na, na merong maseselang mga eksena, di ba? So siyempre pinag-isipan ko kung magagawa ko ba itong mga ito.
At ang isa sa sumuporta sa at nag-encourage kay Sheryl na tanggapin ang Magkaagaw ay ang eighteen-year old daughter niyang si Ashley na kumukuha ng kursong Psychology sa San Francisco State University.
“Sabi niya, ‘Mom, why don’t you accept it or reconsider coz you have the body. First of all you have the body at tsaka you still have that energy. Why don’t you reconsider it’, sabi niyang ganun.
“Tapos nun, from then on, sabi ko sige, see if that role is still available, sabi ko kay Rams. And then fortunately, siguro talagang it was a blessing in disguise na talagang gusto ni Lord para sa akin yung role, and then mas lalo akong na-excite nung nalaman ko na ang makakasama ko dito si Sunshine.
“Because first of all ang tagal na rin naming hindi nagkakatrabaho.”
Taong 2014 sila huling nagkasama ni Sunshine Dizon sa Strawberry Lane.
***
TINANONG namin si Yasser Marta kung sino ang crush niya o pinagpapantasyahan sa showbiz.
“Pinapagpantasyahan? Siguro… ako ang focus ko talaga ngayon na kay Kyline e, parang pag nakakakita ako ng iba, kahit maganda, parang hindi ako na-a-attract and sobrang into the characters kami ngayon, kaya ako wala akong ibang gusto kundi si Maggie.”
Gumaganap si Kyline Alcantara sa Bilangin Ang Bituin Sa Langit bilang si Maggie, si Yasser naman ay si Jun sa naturang drama series ng GMA.
Puwedeng main-love si Yasser kay Kyline sa tunay na buhay?
“Wala namang imposible, let’s see talaga kung anong mangyayari. Ayokong…gusto ko dahan-dahanin, iyon ang mahalaga, napakabata pa ni Kyline.”