Advertisers

Advertisers

Digong dinenay ang narco-list na isinapubliko at ikinasawi ng maraming local executives

0 199

Advertisers

DINENAY ni Pangulong Rody “Digong” Duterte ang narco-list na ilang beses na niyang isinapubkiko noong mga nakaraang taon, na sinundan ng pagkakapaslang sa ilang local executives na tinagurian niyang narco-politicians.
Sa kanyang lingguhang public address na ginagawa tuwing alanganing oras ng gabi ng Lunes, sinabi ni Digong na wala siyang kinalaman sa latest casualty sa isinapubliko niyang narco-list last year na si Mayor Cesar Perez ng Los Baños, Laguna.
“Yung mga anak ni Perez, first of all, I’m sorry that your father died in the way it happened. Pero kung sabihin mong may… ‘yang listahan na ‘yan. It’s collation, lahat na ‘yan, sa intelligence report, sa mga drug enforcement ng military police. It’s combination,” sabi ni Pangulong Digong.
Ang akusasyon laban kay Perez ay tinawag na “unfair” ng alkalde noong buhay pa ito. Aniya, may bahid politika ang lista-han.
“Hindi akin ‘yan. Ibinigay lang sa akin. Hindi ako gu-magawa ng listahan, hindi ako pulis, hindi ako intelligence,” pagdenay ng Pangulo sa narco-list.
Simula nang maupo si Digong ay 22 local executives na ang natodas, karamihan sa kanila ay inakusahang narco-politicians.
Sa pagdenay na ito ni Pangulo sa narco-list, itinatatwa niya ang listahan at ang intel ng pulisya ang idinidiin.
Kung alanganin si Pangulo sa narco-list, bakit niya isinapubliko, not once but thrice! At karamihan sa pinangalanan niyang local executives na narco-politician ay pinaslang. Si Perez nga ang latest!
Si Pangulong Duterte ay mayroong P4.5 bilyon intel fund sa taon 2020. Si ex-PNoy ay P500 million lang ang intel fund kada taon.
Ano ang ginagawa sa napakalaking intel fund na ito, na excuse sa pagbusisi ng Commission on Audit, kung hindi natitiyak ng Pangulo ang isinasapublikong narco-list?
Tama si Digong na karapatan ng mamamayan na malaman ang laman ng narco-list, pero bakit ginagawa niya lang ito sa mga kalaban sa politika. Sa kanyang mga kaalyado, inaabsuelto niya sa anumang kagaguhan!
Gayundin pagdating sa korapsyon, ang pinangangalanan lamang ni Pangulong Duterte ay ang mga ‘di kaalyado. Pero kapag kakampi, kanyang inaabsuelto, ipinagtatanggol, hindi raw magnanakaw at 100 percent niyang pinagkakatiwalaan, o kaya’y ililipat lamang niya ito ng puwesto.
Minsan, nanawagan si Pangulong Digong sa publiko. Magba-yad daw ng tax at tinitiyak niyang kahit singkong ibinabayad ay hindi mananakaw sa kanyang administrasyon.
Pero isinulat ng kanyang bespren na beteranong kolumnistang si Mon Tulfo na sa lahat ng administrasyon mula kay Ramos, ang Duterte administration ang pinaka-KORAP!
Sa kanyang public address nitong Lunes, sinabi ni Pangulong Duterte: “Maraming haka-haka diyan na Cabinet members, ako tumatanggap ng pera. Look I give you this guarantee. Magdala ka lang ng tao at sabihin mo nagbigay siya ng piso sa amin mag-resign ako bukas. Just one person. One affidavit. Walang imbento.”
Ito na yata ang ika-17 pagpahayag ni Pangulong Duterte na magre-resign siya pag ‘di niya nagawa ang promises niya, na obviously ay wala parin namang nangyayari tulad ng pagwakas sa illigal na droga sa loob ng 3 to 6 months, pagtapos sa korap-syon at pagkulong sa mga magnanakaw sa gobyerno.
Lahat nang pangakong ito ni Digong ay naging kabaliktaran. Tumindi ang kalakalan ng iligal na droga, mas naging talamak ang korapsyon, at wala talagang nakulong sa mga mandarambong. Ang pinakamasaklap pa ay lumaya ang mga tulisan na pinakulong ng nakaraang administrasyon. Mismo!
May hamon naman kay Pangulong Digong ang netizens: Isapubliko ni Duterte ang kanyang SALN at mag-isyu ng waiver para buksan ang history ng kanyang bank accounts. Araguy!!!