Advertisers
MINALAS ang may 22 lokal na opisyales na namatay at napabilang sa “magic narco-list” na ibinunyag noon ni Pangulong Duterte, isa na dito si Los Baños, Laguna Mayor Caesar Perez.
Kasalukuyang inaalam pa ng mga awtoridad kung ano ang motibo sa pamamaslang kay Perez, na dati ring naging bise gobernador ng lalawigan ng Laguna.
Pinatay si Perez ng hinihinalang propesyonal na mamamatay tao sa loob mismo ng municipal hall ng Los Baños noong Disyembre 3, 2020.
Ang 66-anyos na alkalde ay kasama sa pinangalanan sa narco list ni Pangulong Duterte na isinapubliko noong 2019.
Mahigpit namang pinabulaanan ng alkalde ang akusasyon sa kanya nang ito ay nabubuhay pa at tiniyak na kalaban nito sa pulitika ang may pakana para makasama ang kanyang pangalan sa listahan ng mga narco-politician.
Maging ang pamilya ng undefeated na alkalde ay mariin din pinabulaanan ang bintang sa namayapang punong bayan.
Nakidalamhati naman si Tatay Digong sa mga naulila ni Perez at sinabing “hindi akin ‘yan. Ibinigay lang sa akin. Hindi ako gumagawa ng listahan, hindi ako pulis,hindi ako intelligence,” ang pagtanggi ng Pangulo sa narco-list kung saan kasama nga ang pangalan ni Perez sa listahan na huling isinapubliko noong March 2019.
Si Perez ang pinakahuli at pang- 22 napatay na lokal official na nakabilang sa narco list ni Pangulong Digong.
Nakapanghinanayang na mawala ang isang tulad ni Perez na kung hindi tayo nagkakamali ay isa ding dating magiting na PC/INP officer sa pagitan ng dekada 70’s-80’s.
Napamahal si Perez sa kanyang mamamayan at maging ang pamunuan ng UP Los Baños na nakiramay din sa pamilya ng nasawing alkalde.
Isinaalang-lang din ng pamunuan ng UP-Los Baños ang malaking naitulong ng mayor sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan sa nasabing institusyon kasabay ng pagkondena sa pagkakapaslang dito.
Laging isa sa masisilip na anggulo ay si Perez ay posibleng biktima ng extra-judicial killing sanhi ng pagkakasama ng pangalan nito sa narco list.
Hindi rin at hindi maiiwasang pagdudahan na ang alkalde ay biktima ng “government-sponsored killing” kaugnay sa tinatawag na madugong kampanya laban sa droga.
Ngunit bakit ang tulad ni Mayor Perez pa ang maging alay sa kampanya kontra-droga kung totoo ang hinalang biktima ito ng salvaging?
Napakarami namang tunay at big-time drug pusher na sangkot pa sa ibat-ibang uri ng henious crimes, ang patuloy na naghahasik ng kasamaan sa lipunan ngunit ang mga ito ay nanatiling buhay na buhay at gumagawa pa ng krimen at kasamaan sa ating pamayanan.
Ipinunto ng ating mga tagasubaybay ang sindikatong kung tagurian ay Tisoy /Idol Flores gun for hire and kidnap for ransom group na nakabase sa bayan ng Padre Garcia, Batangas na nanatiling untouchhable ang operasyon sa buong 4th district ng Batangas at maging sa Lipa City at sa buong Timog katagalugan.
Protektado ang nasabing sindikato na pinamumunuan ng isang alias Kap Tisoy at alias Kap Idol ng ilang police at military scalawags at maging ng padrino ng mga itong isang dating local government official.
Nagpapatakbo din ng Small town lottery bookies/ jueteng ang nasabing sindikato sa mga Brgy. Sambat, Banaba, at Poblacion Padre Garcia, na siyang ginagamit na pondo ng mga ito sa pagpapatay ng tao gamit ang mga bayarang killler mula sa mga probinsya ng Quezon at Nueva Ecija.
Dahil sa laki ng intelhencia o lagay na ipinamumudmod ng naturang crime group sa kanilang mga nabanggit na protektor ay nananatiling hindi matinag ng kapulisan at ng iba pang awtoridad ang operasyon ng nasabing sindkato sa buong CALABARZON na nasa hurisdiksyon ni PNP Regional 4-A director, PBG Felipe Natividad.
General Natividad Sir, kailan mo ba titigpasin ang mga leeg ng lider at mga miyembro ng Tisyo/Idol gun for hire and KFR? P
***
ara sa komento: Cp # 09293453199 at 09664066144, email: sianing52@gmail.com.