Advertisers

Advertisers

Boladas ni Digong laban sa mga korap

0 209

Advertisers

MULI, inanunsiyo ni Pangulong Rody “Digong” Duterte ang pagbibigay ng reward sa sinomang makapagbibigay ng impornasyon sa kanya tungkol sa mga korap ng opisyales ng gobierno. Bibigyan, aniya, ng P50,000.00 hanggang P100,000.00 ang tipster .

Binanggit ito ni Digong sa kanyang weekly public address kamakailan.

“All you have to do is to let me know. May prize ako. Pagka mayroon kang malaki, if it’s a malaking sindikato, ghost project ni Direktor Putangina, I’ll give you P50,000,” say ni Digong.



Kapag mas malaking isda, aniya, ay bibigyan niya ng mas malaking reward ang tipster. “I’ll give you P100,000 and I’ll keep your identity secret until I reach my grave.”

Inulit niya rin ang sinabi niya last year na ibulong lang sa kanya ang nilalaman at siya na ang bahala rito. “Whisper it to anyone. Don’t give a name. Just mention the contract and the details.”

Nangako rin si Digong na poprotektahan niya ang tipster kapag nalaman at hina-harass ito ng korap na opisyal. “Kung nalaman kayo tapos hina-harass kayo, paalamin mo ako. I will deal with the devil. ‘Yan ang gusto ko, bumaril ng tao na ligal.”

Napakasarap pakinggan ng mga sinasabing ito ni Pangulo. Talagang papalakpakan mo. Klap! klap! klap!!!

Pero ang mga sinasabing ito ni Digong ay para lamang sa maliliit na isda, sa mga ‘di niya kaalyado, ‘di niya appointees.



Oo! Kung naaalala ninyo… napakarami na sa mga opisyal ni Digong ang nabuking na kumamal ng daan-daang milyones sa mga transaksiyon sa gobierno, mismong Commission on Audit pa ang source ng ibang detalye, pero anyare? Inabsuelto ni Digong, ipinagtanggol. Sinabing hindi ito korap, milyonaryo ito kaya never magbubulsa ng salapi ng bayan.

Anyare na ba sa mga nabunyag na katiwalian nina Wanda Tulfo-Teo at Cezar Montano ng Tourism?, Vitaliano Aguirre ng DoJ?, Nicanor Faeldon ng Customs/BuCor?, Alexander Balutan ng PCSO?, Ricardo Morales ng PhilHealth?, Francisco Duque ng DoH?, Jose Calida ng SolGen?, sa DPWH?, Immigration?, NIA?, DOE?, BIR?, SBMA?, CEZA?, at sa iba pang govt. agencies na dapa na sa korapsyon?

Kung seryoso lang si Pangulong Digong sa kanyang mga sinasabi na ipakukulong o papatayin niya ang mga magnanakaw sa kanyang administrasyon, wala na sana ang mga nabanggit kong opisyal.

Actually, ang ginagawa lang kasi ni Pangulong Digong kapag nabuking sa pangungulimbat ang kanyang “bata” ay ililipat niya lang ito ng puwesto. Ginawa niya ito kina Aguirre, Faeldon, who else?

Kung pakikinggan lang ni Pangulong Digong ang CoA at kanyang bespren na beteranong kolumnista na si Mon Tulfo, kulong na dapat ang mandarambong sa kanyang administrasyon. Mismo!

Kung paniniwalaan lang din ni Pangulong Digong ang report ni Greco Belgica ng Presidential Anti-Corruption Commission, kulong na sana ang mga “Lolong” sa administrasyon.

Ang totoo… mga dilis lang ang pinatanggal ni Digong sa gobierno. At wala pa tayong nababalitaan na napakulong ng kanyang administrasyon.

Unlike ng nakaraang Aquino administration na napakaraming plunderers ang napakulong like ex-Pres GMA, ex-Sens. Estrada at Enrile, at Sen. Bong Revilla. Yes!

Unfortunately, ang mga politikong ito ay napalaya under Duterte administration. Sina GMA at Revilla ay nakabalik pa sa kapangyarihan.

Ang isa pang ‘di nakabibilib kay Pangulong Digong ay ang patuloy niyang pagtanggi na isapubliko ang kanyang SALN mula 2016 at ang pag-sign ng waiver para makita ang history ng kanyang bank accounts na ibinunyag noon ni Trillanes.

Kaya itong reward niya laban sa mga korap ay style lang ito, propaganda lang. Sabi niya nga, YAWA!