Advertisers

Advertisers

Mga Bulakenyo may tampo kay Gov. Fernando

0 472

Advertisers

Hindi pa rin pala makapag-move on ang ilang mga BULAKENYO sa sinapit nilang pagkakabaha dulot ng pagpapakawala ng tubig sa dam dahil sa dami ng tubig na ibinuhos ng bagyong ULYSSES, na ang kanilang PROVINCIAL GOVERNOR kasama ang iba pang mga opisyal ay nagpapakasaya raw noon sa isang resort sa NUEVA ECIJA?

Bunsod nito ay maraming masama ang loob kay BULACAN GOVERNOR DANIEL FERNANDO dahil maraming mga bayan ang lumubog sa tubig-baha na dapat inunang pagtuunan ng naturang opisyal.., dahil mas inuna pa umano ang outing gayong may paparating na bagyong ULYSSES.

Nag-ugat ang mga reklamo ng maglabasan sa national newspapers at pagsasahimpapawid sa mga radio station ang pag-abandona ni GOV. FERNANDO nang kanyang isagawa ang two-day CONFERENCE sa kanyang mga opisyal sa HIGHLAND BALI VILLAS RESORT & SPA sa PUROK 1EAST POBLACION, PANTABANGAN, NUEVA ECIJA.



Magugunita na noong November 8 ay nag-anunsiyo ang PAGASA sa namumuong sama ng panahon na pagsapit ng kinabukasan ay mararamdaman na ang malakas na hangin at pag-ulan.., subalit binalewala umano ang anunsiyo at itinuloy ni GOV. FERNANDO na naraming mga opisyal ang nagdatingan noong November 10 para sa itinakdang conference.

Mahigit sa 20 opisyal ng kapitolyo ang nakilahok at ang tanging opisyal na lumisan sa pagtitipon para gampanan ang tungkulin sa panahon ng kalamidad ay si PROVINCIAL DISASTER RISK REDUCTION MANAGEMENT CHIEF LIZ MUNGCAL.., subalit, ang naturang Gobernador ay nanatili pa raw sa naturang resort hanggang November 12 na noo’y maraming bayan na sa kanilang lalawigan ang nalubog na sa baha.

Sa sinapit na pagkakalubog sa tubig-baha ang mga bayan ng CALUMPIT, HAGONOY, MALOLOS, PANDI, PAOMBONG, PLARIDEL, PULILAN, BUSTOS, MARILAO, STA. MARIA, MEYCAUAYAN, BULAKAN, BALIUAG at OBANDO ay kinakailangan umanong pagpaliwanagin ni DEPARTMENT OF THE INTERIOR AND LOCAL GOVERNMENT (DILG) SECRETARY EDUARDO AÑO sa naging kapabayaan umano ni GOV. FERNANDO sa kasagsagan ng nagdaang bagyo.

Sa isang banda, sakali kayang nasa Kapitolyo noong kasagsagan ng bagyo si GOV. FERNANDO e mapipigilan kaya niya ang pagbaha o hindi kaya magaganap ang paglubog sa tubig-baha ng kanilang mga kababayan? Sabagay e may panuntunan ang DILG na ang mga GOVERNMENT OFFICIAL ay dapat na nasa kani-kanilang mga lugar na nasasakupan sa panahon ng mga kalamidad!

MGA ABUSADONG PULIS
TITIGPASIN NG QC-PLEB!



Maganda ang adhikain sa administrasyon ni QUEZON CITY MAYOR JOY BELMONTE na ang mga tiwali at abusadong LAW ENFORCERS ay matanggal sa serbisyo upang maibalik ang tiwala ng mamamayan sa mga nanunungkulan sa gobyerno.

Nitong nagdaang linggo ay hinatulan ng QC- PEOPLE’S LAW ENFORCEMENT BOARD (PLEB) na matanggal agad sa serbisyo ang isang PO1 MICHAEL GRAGASIN dahil sa kasong ROBBERY/ EXTORTION at sinuspinde naman ng 51-days sa serbisyo ang isang PO2 ALEX CHOCOWEN sa kasong ATTEMPTED EXTORTION.

“In just five months, the reorganized PLEB has made significant contributions to the city. May katapat na ang mga abusadong pulis dito sa lungsod,” pahayag ni MAYOR BELMONTE na nitong July 2020 ay kaniyang nireorganisa at pinalakas pa ang PLEB sa pamamagitan ng EXECUTIVE ORDER.

Itinalaga ni MAYOR BELMONTE si ATTY. RAFAEL CALINISAN bilang EXECUTIVE OFFICER ng PLEB at pinapurihan din ng naturang alkalde ang bagong QUEZON CITY POLICE DISTRICT DIRECTOR na si BRIG. GENERAL DANILO MACERIN sa pagpapangakong susuportahan nito ang PLEB para masawata ang mga tiwaling pulis.

Ang kaso ng 2 PULIS na sina GRAGARIN at CHOCOWEN ay nag-ugat sa naging reklamo ng isang RISSA NATIVIDAD na nagbigay umano siya ng P30,000 kay GRAGASIN para sa agarang ikalalaya ng kaniyang kapatid na si MARK TORRES na naaresto sa residential area ng SAN FRANCISCO DEL MONTE, QC noong August 16, 2020.

Sa loob ng MASAMBONG POLICE STATION ibinigay ni NATIVIDAD ang pera kay GRAGASIN. Pero nagdemand daw itong si GRAGASIN na sila ay maghotel sa susunod na araw at dahil desperada si NATIVIDAD sa kagustuhang makalaya ang kaniyang kapatid ay sumang-ayon na lamang siya. Habang nag-aantay si NATIVIDAD sa loob ng police station ay nilapitan naman daw ito ni CHOCOWEN at nagsaad na bigyan siya ng P3,00 kapalit sa hindi na dadalo sa korte ang pulis na pinasundan pa na kung puwede silang mag-inom.

“Bawal ang pasaway na pulis sa Quezon City. While we recognize that the police is our indispensable partner in maintaining peace and order, we will not shirk from our duty to make erring policemen accountable for their lawless acts. This is a thankless and dangerous job. We are just performing our civic duty to help the Filipino people. Pagod na kami sa dating sistema. We are doing our share towards nation-building,” pahayag ni Atty. Calinisan.

Kaya mga ka-ARYA..,, kung makaenkuwentro kayo ng mga tiwaling pulis sa QC e huwag po kayong mag-alangan na dumulog sa QC- PLEB para mabigyan ng leksiyon ang mga abusado at matanggal sa serbisyo ang mga “ANAY” sa kapulisan.

PAGING MAYOR JOY.., panawagan po ng inyong mga ka-lungsod na pagtuunan din daw po ninyo ang ilang mga opisyal ninyo na hanggang ngayon ay nahirati pa rin daw sa “LAGAY SYSTEM” bago mapakilos!