Advertisers
MATINDI ang mga taong nasa likod ng opisyo ng ONLINE SABONG na kinalolokohan ngayon ng marami sa ating mga kababayan.
Dahil nga online ang operasyon ng raketang ito, lahat ay puwedeng magsugal basta may load ang iyong celfone.
Walang pinipiling kliyente ang pasugal na ito na ewan natin kung paanong pinakikinabangan ng gobyerno.
Imposible kasing di alam ito ng mga awtoridad kung ganito ka-organisado ang kanilang nationwide operations.
Basta may sultada sa isang sabungan kahit pa nga underground cockpit ito ay merong online sabong.
Naka-tie up ang operation ng ONLINE SABONG sa dalawang money remittance company na PAYMAYA at GCASH.
Dito ka maglo-load ng kuwartang gagamitin mo para sa online betting.
Alam naman ng bawat Pilipino na ang pamosong si CHARLIE “ATONG” ANG o mas kilala sa bansag na DOUBLE A ang pasimuno ng pasugal na ito.
Of course, rehistrado sa Securities and Exchange Commission (SEC) ang kumpanyang ito ni ANG na siyang nag-eere ng ONLINE SABONG and maybe, again maybe, nakarehistro rin sa National Telecommunication Commission (NTC) ang website kung saan mapapanood ang mga online sabong.
I said maybe dahil di natin tiyak kung nakarehistro nga ang pasugal na ito ni ANG sa nasabing mga tanggapan ng gobyerno.
Milyones ang pustahan sa online sabong na mapapanood on a 24/7 basis.
Eh ‘yung tanggapan ng Games and Amusement Board (GAB), anyare?
Nganga na lamang ba Boss Baham Mitra?
Hindi natin kinokondena si Mr. Ang sa mga pangyayaring ito dahil hindi naman talaga makakapangyari ang mga ganitong gawain kung walang basbas o blessing ng mga nasa poder mula sa mga local mayor, congressmen, senators so on and so forth.
Ika nga, kung hindi man ganap na ligal ang operasyon ng online sabong, safe to say na semi-legal na po ito.
Dahil nga legitimate and respectable remittance companies ang gamit sa pagtaya at pagkubra na mapapanalunang pera mula sa online sabong.
Same thing and same procedures din sa pagtaya at pagwiwithdraw ng winnings sa mga online casino na namamayagpag din.
Unique in a sense ang online sabong ni Boss Atong.
Land, air or sea ay puwede kang tumaya. Meaning, kahit nasa comfort ka ng iyong kotse o nasa business class ka ng isang lumilipad na eroplano o sa loob ng cabin ng sarili mong yate ay puwede kang magsabong thru online betting!
Oh di ba high tech at bonggang bonga.
Sosyal ang datingan!
Gusto lamang nating masiguro na kumikita ang pamahalaan mula sa mga operasyong ito as revenues.
Gusto lamang nating mabatid kung anu-anong ahensiya ng pamahalaan (lokal man o nasyunal) ang incharged sa supervision and control ng ONLINE SABONG & ONLINE CASINOS.
Hindi rin natin gustong lumabas na kontrabida sa pinakausong sugal ngayong pandemya pero, isinasatinig lamang natin ang napakaraming sentimiyento at reklamong nakakarating sa inyong lingkod patungkol sa pagkagumon ng kanilang mga asawa, kapatid, anak at mga mahal sa buhay sa sugal na usong-uso ngayon.
Nagiging sanhi rin umano ito ng pagkasira ng pamilya at buhay ng ating mga kababayan.
Makailang beses na rin nating binigyang-diin na ang kultura ng pagsusugal ligal man ito o iligal ay mistulang salot sa buhay ng bawat nilalang.
Game of chance ang tawag dito or game of luck!
Sa lengguwaheng kalye o sa salitang kolokyal ng bawat Pinoy, ang suwerte ay sadyang napakailap at minsan lamang kung dumating.
Ang ibig nitong sabihin o ipakahulugan ay kung sampung beses (10x) ka nagsusugal sa isang linggo o isang buwan, mapalad ka nang manalo ng isang beses.
So ang ratio ng PANALO kontra TALO ay 99% to 01% o mas mababa pa.
Para ka lang hinoholdap o dinudukutan ng kuwarta.
Ang parating panalo sa pagsusugal ay yaong mismong nagpapasugal.
Sa mga ligal na sugalan gaya ng mga casinos na pag-aari at pinatatakbo ng PAGCOR at ng PCSO, sa gobyerno pumapasok ang kuwartang hinihigop mula sa mga kaawa-awang mananaya.
Sa mga pribadong casino naman na pag-aari ng mga multi national corporations/companies at gambling tycoons from Macau and the likes, barya-barya na lamang ang napupunta sa kabang yaman ng bansa.
Pero ang nagsisilbing “collateral damage” sa opisyo at sistemang ito ay tayong mga Pilipino na nasisira ang buhay at pamumuhay dahil sa punyetang kultura ng pagsusugal na isinusubo sa atin ng ating mismong pamahalaan.
Ito ang dahilan kung bakit nananatiling napakamaraming mahihirap tayong mga kababayan.
Kung bakit ilan lamang sa atin ang nakakalasap ng pag-asenso sa buhay!
Hangga’t may sugal o easy money kung tawagin, hinding-hindi aasenso ang bawat Juan dela Cruz ng ating bansang Pilipinas!
Madaragdagan ang bilang ng pamilyang mawawasak at mga kabataang mapapariwara ang buhay.
We knew from the very start that gambling is evil but we insist to play side by side and hand in hand with the devils!
Sana matuto na tayo.
Stop patronizing online sabong and the likes.
Love our family and love ourselves!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com