Advertisers

Advertisers

‘Palaboy’ sa Maynila dinampot!

0 249

Advertisers

UMABOTsa 35 palaboy at mga taong naninirahan sa mga kalsada ang dinampot ng mga kasapi ng Manila Department of Social Welfare (MDSW) Rescue Team para dalhin sa maayos na lugar.
Kinuha ang mga ito sa kahabaan ng Nagtahan St., Quirino Ave, Roxas Blvd., Port Area, Intramuros, Espana Blvd., Lacson St., Quiapo, Legarda st., UN Ave., Kalaw Ave, at Rizal Avenue.
Kasama ng MDSW Rescue Team ang ilang barangay officials ng nasabing mga lugar sa operasyon.
Sinabi ni MDSW Director Re Fugoso na ang hakbang ay alinsunod sa programa na ipinapatupad ni Mayor Isko Moreno.
Bukod aniya sa mga taong palaboy ay binabantayan din nila ang mga menor de edad na namamalimos at ganun din ang mga nangangaroling sa kalsada.
May ilang naaresto na ang MDSW at kinausap ang mga magulang ng mga bata. (Jocelyn Domenden)