Advertisers

Advertisers

Dahil sa ‘Bawal ang Pasaway’… Kim naiyak nang mapasama sa listahan ng 100 Digital Stars of Asia ng Forbes

0 298

Advertisers

Ni BLESSIE K. CIRERA

HINDI napigilan ni Kim Chiu na maging emosyonal nang malamang napasama siya sa listahan ng 100 Digital Stars ng Forbes sa taong 2020.

Kasama sa Forbes list ang ilang celebrities sa Asya na nagkaroon ng malaking impact sa social media.



Kasabay nito ay nagpasalamat si Kim na mapabilang sa nabanggit na talaan dahil anya sa kanyang ‘Bawal Lumabas’ merchandise at videos.

Naniniwala ang Chinita Princess na ginawang positibo ng Diyos ang noon ay negatibong isyu na nag-ugat sa mga pahayag niya bunsod ng pagpapasara sa ABS-CBN.

“TOTOO NGA!!!!!!!!!!!!! OMG!!! OMG!!!!!!! No words!!!! I am a part of ASIA PACIFIC’s MOST INFLUENCIAL CELEBRITIES ON SOCIAL MEDIA! no words!!! FORBES!!! “Sorry capital letters lahat!!! Para intense yun yung nararamdaman ko now!!! LIKE WOW!!!!! Ang #bawallumabas umabot ng FORBES.Com im litterally crying while typing all these. Grabe po!

“I am just thankful for everything God has been giving me. My faith has been tested this year but I never gave up on trusting his will, ALL IN HIS GLORY! ALL FOR YOU FATHER GOD! THANK YOU @forbes for this recognition, there is truly LOVE AND LIGHT! MARAMING SALAMAT PO,” pinost ni Kim sa kanyang Instagram account.

Ilan pa sa female stars na napasama sa Forbes list ay sina Angel Locsin at Kathryn Bernardo.



***

ABS-CBN PANALONG BEST TV STATION SA PLATINUM STALLION AT RAWR AWARDS

HIIRANG ang ABS-CBN pa rin ang kinilalang pinakamahusay na TV network sa bansa sa LionhearTV Rawr Awards 2020 at Platinum Stallion National Media Awards 2020 bagama’t hindi ito napapanood sa telebisyon tulad ng dati.

Ginawaran ng TV Station of the Year ang ABS-CBN sa Rawr Awards dahil sa malikhain nitong pamamaraan upang patuloy na makapaglingkod sa kabila ng kawalang ng prangkisa.

Bukod dito, binoto rin ng mga netizen, bloggers, at miyembro ng media industries ang iba-ibang Kapamilya na programa at personalidad tulad ng “It’s Showtime,” na tinanghal na Trending Show of the Year at “Love Thy Woman,” na nanalo naman bilang Bet na Bet na Teleserye.

Si Vice Ganda ang hinirang na Pak na Pak na Comedian, si Toni Gonzaga ang Favorite TV Host para sa digital show niya na “I Feel U,” habang si Angel Locsin ay isa sa Most Admired Celebrities.

Wagi rin sa Rawr Awards, na anim na taon nang nagbibigay parangal sa pinakamahuhusay sa Philippine Entertainment industry,  ang dating “Pinoy Big Brother” housemate at Star Hunt artist na si Fumiya Sankai (Beshie ng Taon), ang “Isa Pa With Feelings” lead actress na si Maine Mendoza (Actress of the Year), “Ghost of the Past” (Movie ng Taon), at ag tambalang KyCine nina Kyle Echarri at Francine Diaz (Loveteam of the Year).

Samantala, pinagtibay rin ng mga estudyante, guro, kawani, at iba pang bahagi ng Trinity University of Asia (TUA) ang kanilang pagtitiwala at suporta sa ABS-CBN bilang isang multimedia network sa pagpili sa ABS-CBN.com bilang Digital Media Network of the Year at DZMM Radyo Patrol 630 bilang AM Radio Station of the Year.

Binigyang-puri rin ang broadcast icon na si Noli De Castro ng “TV Patrol” bilang Male News Personality of the Year habang si ABS-CBN News reporter na si Jervis Manahan ay pinarangalan ng Trinitian Media Educator for Broadcast Journalism award.

Ito na rin ang ika-anim na pagtatanghal ng Platinum Stallion National Media Awards na isinasagawa ng Media and Communication Department ng College of Arts, Sciences and Education ng TUA.