Advertisers
HABANG nalalapit ang halalan ay patindi nang patindi, araw-araw na nga, ang paglulunsad ng kilos protesta ng mga militanteng grupo.
Bunga narin ito ng tuluy-tuloy na panggigipit at panghuhuli ng mga pulis at militar sa mga lider ng grupo na inaakusahang kasabwat o kasapi ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NAP-NDF).
Nitong Huwebes lang, sa paggunita sa International Human Rights Day, buong araw nagmartsa sa kalye patungong Mendiola sa Malakanyang, kungsaan naroroon ang Palasyo ng Pangulo ng Pilipinas, ang iba’t ibang militant groups sa kabila na ipinagbabawal ang mass gathering at ipinatutupad na social distancing dahil nasa ilalim parin ng community quarantine ang bansa dulot ng coronavirus.
Nitong Biyernes, maaga pa ay muling bumara sa kalye sa Camp Karingal at Quezon City Regional Trial Court ang mga militante para kondenahin naman ang PNP at isang Judge na nag-isyu ng arrest warrant sa lady journalist na si Lady Ann Salem, editor ng pahayagang Manila Today, at anim pang union organizers nitong Huwebes.
Kung hindi lang siguro nasa ilalim ng community quarantine ang bansa, malamang mas malalaking rali ang ginagawa nitong mga militanteng grupo na Bayan Muna, Anakpawis, Gabriela, Kabataan, ACT – Teachers, Kadamay, Karapatan, LFS, at iba pa…
Ang mga lider ng Bayan Muna, Gabriela, Kabataan at ACT Teachers na tinawag na ‘Makabayn Bloc’ sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ay ni-red tag ng militar at pulisya. Subject din ang partylist groups na ito na patalsikin sa House of Representatives, hindi na payagang makalahok sa pambansang halalan sa 2022.
Halata namang dumedistansiya na mga malalaking politiko sa isyu ng red tagging at pagrarali ng mga militanteng grupo. Siempre! malaking kawalan sa kanila ang malaking bilang ng mga grupong ito kapag kanilang inaway.
Ang sigurado rito ay hindi na papabor sa iendorso o tiket ng pa-graduate nang pangulo, Rody Duterte, ang mga militanteng ito na buong sumuporta kay Duterte noong 2016. Mismo!
Oo! Malaking kawalan sa magiging kandidato ng administrasyon ang pagkamuhi ng mga militante kay Duterte. Tiyak bubuhos ang kanilang suporta sa makakalaban ng iendorso ni PDut!
Kita nyo si Senador Manny Pacquiao na dati-rati palaging nasa kampo ni Duterte ay dumistansiya na sa administrasyon. Lumalakad na ito ng solo. Hehehe… Kakasa na raw kasi itong Presidente sa 2022, pero ayaw paindorso kay PDut. Tama yun!
Malamang ay hindi naman talaga iendorso ni PDut si Pacquiao, bagkus ay ang kanyang unica hija, Mayor Sara Duterte-Carpio, ang isusulong ni Pangulo. Pramis!
May tsismis pang baka mag-Vice President kay Leni Robredo si Pacquiao. Araguy!!!
Balikan natin ang padalas nang rali ng mga militante. Malaking epekto ito sa pagpapapogi ni Pangulong Duterte sa kanyang mamanukin. Baka mangyari nito ay wala nang sumama sa tiket ng administrasyon. Eh 10 months nalang filing na ng Certificate of Candidacy (CoC) para sa 2022 Election. Kaya dapat hindi na magkakamali ngayon ang mga may ambisyon kumasa sa papalapit na halalan or else pupulutin siya sa kangkungan.
Tandaan!