Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
NAPAIYAK si Althea Alban matapos siyang komprontahin ng inirereklamo raw niyang si Aiko Melendez ay nag-iingay sa set ng “Prima Donnas.”
Pero ang pang-aaway sa kanya ni Aiko ay prank lang pala.
Sa kanyang vlog, nagpanggap si Aiko na may narinig siya sa production na nagrereklamo raw si Althea dahil sa malakas na pagpapatugtog ng kanyang phone, kaya hinarap niya ito.
“Sabi mo daw ‘Ang ingay ingay naman ni Ms. Aiko. Bakit ang ingay-ingay?'” tanong ni Aiko kay Althea.
“Wala po akong sinasabi,” tahasan namang pagtatanggi ni Althea.
“Kung may problema sa ‘kin, sabihin mo, kasi ayaw ko makipagbastusan eh,” prank pa ni Aiko sa teen actress.
“Seryoso po kayo?” tanong ni Althea na tila napapaiyak na. “Mukha ba akong nagbibiro?” sagot naman ni Aiko.
Ngunit nauwi naman sa tawanan ang tensyon nang magsigawan na sina Aiko at ang crew ng “It’s a prank!”
Sunod namang biniktima ni Aiko si James Blanco, na sa halip na makipagsabayan sa init ng ulo, ipinakita ang kanyang pagiging gentleman.
Sunod na kinuntsaba ni Aiko si Jillian Ward para i-prank din si Elijah Alejo na pinersonal daw nito ang pananampal sa kanya ni Jillian.
Ginawa ni Aiko ang prank sa co-stars sa last day ng kanilang lock-in taping ng “Prima Donnas.”
Mapapanood ang mga prank na ito sa vlog ni Aiko sa Aiko Melendez Youtube channel ng aktres.
***
HUMINGI ng tulong si Carla Abellana para sa gagawin nilang Christmas stray feeding ng kanyang mga kaibigan.
Sa kanyang Instagram, nag-post si Carla ng poster na nakasaad na gagawin nila ang pagpapakain sa mga asong kalye at pusang gala sa Disyembre 21 at 28.
Inilahad din nila ang kanilang mga kakailanganin kabilang ang dog food, kanin, ground pork, chicken liver at paper plates o bowls.
“Christmas is fast approaching and it’s time to make some strays feel this season too,” caption ni Carla.
“Let’s all share our blessings by giving them one of the best gifts a stray dog or cat can get, a CLEAN & DECENT MEAL. ????” dagdag ng aktres, na isang animal welfare advocate.
***
SA episode ng “Wowowin-Tutok To Win” nitong Huwebes, sinabi ni Willie Revillame na tatlong araw nang mataas ang presyon ng kanyang dugo na nasa 150/110.
Tulad nitong Miyerkules, hindi muling nag-opening number si Willie. Sa halip, ang mga co-host niyang sina “Hipon Girl” Herlene at beauty queen Michelle Gumabao ang nagpasimula ng programa.
“Kapag magkaka-edad ka na pala nag-iiba na. Kapag tumatayo ako sa nadaling araw, ihi ako nang ihi, tapos ang balakang ko ang sakit,” kuwento ni Kuya Wil.
“Kapag magsi-sixty years old ka na, marami kang nararamdaman. Isipin niyo tatlong araw na akong 150/110, yan yung bp [blood pressure] ko,” dagdag niya.
Nitong Miyerkules, inihayag din ni Willie na masama ang kanyang pakiramdam.
Nagbiro pa siya na mumultuhin niya ang mga staff ng programa kapag may nangyari sa kanya.
“Yung blood pressure ko hindi nga bumababa eh. Ano yun pwede akong atakihin [sa puso]?” tanong niya kahapon.
“Pag may nangyari sa akin inatake ako, mumultuhin ko kayong lahat. Kukurutin ko yung mga ano nyo,” natatawa niyang sabi sa staff.