Advertisers

Advertisers

John isinalba ng TV5 sa depresyon; Gold indie best actor, swak sa teleserye

0 313

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

SA interview ni John “Sweet” Lapus sa Pep.ph, nag-open up siya sa naging epekto ng quarantine lockdown at pagpapasara ng ABS-CBN sa kanyang mental health.

Nakaranas daw siya ng anxiety disorder dahil sa sunud-sunod na pangyayaring hindi niya inaasahan.



“First 3 weeks ng lockdown, hindi ako makatulog, wala ako ganang kumain at nag falling hair ako I can usually predict or plan my future, pero itong lecheng COVID na ito ay hindi ko inasahan.

“Ang ganda na ng momentum ng career ko as writer/director for the past two years, ‘tapos biglang nahinto. Isip ako nang isip kung ano gagawin ko sa buhay?” simulang kwento ni John.

Patuloy niya,”May savings naman ako pero alam ko madaling mauubos kung walang papasok na trabaho. May mga bayarin at utang pa ako. Hindi ako mahilig humingi at mangutang sa ibang tao. Nakadagdag pa sa anxiety ko that time ang hindi ko nakikita ang mga kaibigan ko na source of my energy and creativity.”

Mabuti na lang daw at dumating ang offer ng TV5. Isinama siya sa teleseryeng Paano Ang Pasko? At masasabi ni John na savior niya ang nasabing network dahil tuwing kinakapos siya sa trabaho, nabibigyan siya nito ng biyaya.

“Salamat sa Diyos at nandiyan na naman ang TV5/Idea First na laging dumadating sa panahon na kailangan ko sila. Maliban sa fact na I feel that they believe in my talent, sila ang nagbigay ng first solo show ko as game show host via Blind Item noong 2005.



“ABC5 pa sila noon. Ginawa din nila akong regular co-host ng Sing-Galing with Ai-Ai delas Alas then later with Pops Fernandez. At suki rin akong Talent Scout ng lahat ng edition ng Talentadong Pinoy.

“From Ryan Agoncillo to Robin Padilla then Ryan [as host] ulit now. Naging regular din ako ng Tropa Mo Ko, when direk Phillip Lazaro took over. Iyong mga huling shows ko with TV5 were Tasya Fantasya at Mac and Chiz. Ang Paano Ang Pasko? ay ang first soap ko with TV5 and Idea First.”

***

NAPANOOD namin ang pelikulang Metamorphosis, isa sa naging entry sa Cinema One Originals last year.

And in fairness, ang husay ng bida rito na si Gold Azeron sa papel na Adam, na may dalawang sex organ, sa lalaki at babae. Kaya naman sa awards night ng C1 Originals, siya ang tinanghal na Best Actor.

At sa katatapos lang na online awards night ng Pista ng Pelikulang Pilipino 4, si Gold din ang wagi  bilang Best Actor, para rin sa nasabing pelikula. O, ‘di ba acting awardee na ang binata?

Narito ang Facebook post ni Gold after winning sa PPP4SamaAll Awards Night.

“Salamat Pista ng Pelikulang Pilipino para sa panibagong rekognisyon. “Best Actor” Salamat sa Team Meta, sa mga patuloy na sumusuporta sa “Metamorphosis”, sa lahat ng pelikulang Pilipino at sa lahat ng nagtiwala sa akin. Para ito sainyo.”

Sa pagiging mahusay gumanap ni Gold, sana ay may dumating sa kanyang offer para sa isang teleserye. Pwedeng-pwede siyang  lumabas sa mga drama series dahil nga may ibubuga siya sa pagganap, ‘di ba?

To Gold, our congratulations!