Advertisers
MUKHANG tama si Sonny Trillanes na may nakakagulat na mangyayari bago matapos ang taon tungkol sa hablang crime against humanity laban kay Rodrigo Duterte at ilang alipures. Isinampa nina Trillanes at Gary Alejano ng grupong Magdalo ang habla sa International Criminal Court noong Marso, 2018.
Noong Lunes, naglabas ang ICC na pahayag na may batayan ang bintang ng mga kritiko na ginamit ni Duterte ang poder ng estado upang patayin at saktan ang mga taong sangkot sa madugo ngunit bigong digmaan kontra ilegal na droga. Bahagi ito sa preliminary investigation na isinasagawa ng ICC tungkol sa mga paglabag sa karapatang pantao kaugnay sa madugo ngunit bigong digmaan kontra droga ng gobyernong Duterte.
“The Office is satisfied that information available provides a reasonable basis to believe that the crimes against humanity of murder (Article 7(1)(a)), torture (article 7(1)(f)) and the infliction of serious physical injury and mental harm as other inhumane Acts (article 7(1)(k)) were committed on the territory of the Philippines between at least 1 July 2016 and 16 March 2019, in connection to the WoD campaign launched throughout the country,” ani ICC Prosecutor Fatou Bensouda sa kanyang ulat noong Lunes.
Sa madaling salita, hindi dismissed ang hablang isinampa nina Trillanes at Alejano sa ICC. Patuloy ang pagsisiyasat. naunang sinabi na tatapusin ngayong taon ang pinal o pangwakas na ulat ng ICC Office of the Prosecutor sa mga akusasyon laban kay Duterte. Hindi natapos ang pinal na ulat dahil sa pandemya.
Sinabi ni Bensouda sa ulat na itutuloy ng ICC ang pagsisiyasat sa maramihang pagpatay kaugnay ng digmaan sa droga. Kinilala ng ICC ang kawalan ng sapat na pagkilos ng gobyernong Duterte upang siyasatin ang mga patayan. Kadalasan, mga taong nasa ibaba ang sinisiyasat at hindi sa itaas. Kinilala rin ng ICC ang pagkakadawit ng mga kritiko, abogado, at mamamahayag sa mga patayan.
Sapagkat hindi dismissed, may basehan na maniwala at umasa na lalabas sa hinaharap ang arrest warrant laban kay Duterte. Hindi malinaw kung kailan lalabas ang arrest warrant. Hindi rin malinaw kung hanggang saan at kailan ang imbestigasyon ng ICC. Ngunit patuloy itong gumugulong, ani Bensouda.
Hindi lumabas sa telebisyon noong Lunes ng gabi si Duterte. Mukhang dumating ang balita na may nangyari sa ICC. Tingnan natin kung lalabas siya mamayang gabi at magsasalita tungkol sa bagong development sa ICC. Manmanan natin kung may natitirang tapang at lakas ng loob si Duterte upang laitin si Bensouda at murahin ang ICC.
May mga katanungan ang netizen na si Allan Bautista na kung bumaba ang arrest warrant kay Duterte at mga kasama, anong puwersa ang magpapatupad ng arrest warrant at maaaring humuli sa kanila. Sa unawa namin, ang lokal na puwersa tulad ng PNP at AFP ang huhuli sa kanya at ibibigay siya sa ICC upang harapin ang mga sakdal sa kanya. Batay ito sa probisyon ng Rome Statute, ang tratado ng maraming bansa na bumuo sa ICC.
Sapagkat tumiwalag ang Filipinas sa Rome Statute noong 2018 matapos maisampa ang habla sa kanya, hindi malinaw kung paano ipapatupad ang probisyon kung sakaling dakpin si Duterte. Hindi kaya international forces ang humuli sa kanya? Mahirap manghula ngunit magandang talakayin iyan ng mga dalubhasa sa international law.
***
IKA-12 ng Disyembre, 2019 nang matapos ang SEA Games na ginanap sa Filipinas. Bahagi ng 2019 SEAG ang pagsusumite ng Philippine SEAG Organizing Committee, o PHISGOC, ang pagsusumite ng audited financial report na nagpapaliwanag sa gastos sa palaro. Umabot kasi sa P17 bilyon ang gastos sa SEAG.
Si Alan Peter Cayetano, dating ispiker ng Kamara de Representante, ang pinuno ng Organizing Committee na nagmahala at nagpatakbo sa palaro. Nakatakdang ibigay ang ulat sa original deadline na ika-9 ng Pebrero ngayong taon, o 60 araw pagkatapos ng palaro. Hindi naibigay at humingi sila palugit.
Pinagbigyan ngunit hanggang ngayon, hindi pa rin isinusumite ang anumang financial report. Sapagkat walang financial report, hindi maiwasan ang mag-isip ang sinuman na itinatagong lihim ang pangkat ni Cayetano. Winaldas ba nila ang pera ng bayan? Ninakaw ba nila? Ano ang kapalaran ng limpak limpak na salapi ni Juan dela Cruz?
Hindi sinasagot ni Cayetano ang mga tanong na iyan. Iniiwasan hanggang maaari. Alam niya na mahaharap siya sa salang plunder o pandarambong kung sakali magsumite siya ng financial report. Mas maigi ang manahimik.
***
MAY pahayag si Etta Rosales ng Akbayan tungkol sa ulat ng ICC. Pakibasang Mabuti:
DAPAT MANAGOT SA BATAS
“Dapat managot sa batas, may kabayaran ang lahat.”
This was Akbayan Chair Emeritus Etta Rosales’ statement following the announcement of the International Criminal Court (ICC) finding “basis to believe” crimes against humanity committed in Duterte’s War on Drugs.
“Dapat managot sa batas, may kabayaran ang lahat, Mr. Duterte. Ito ang paulit-ulit na paalala sa kanya sa simula pa lang ng termino niya. Ang lahat na dumanak na dugo, balang araw ay sisingilin din sa kanya. Ito na ang panahong iyon,” Rosales remarked.
Rosales, also former chairperson of the Commission on Human Rights, lauded the ICC for continuing their investigation amid repeated attempts by the Duterte administration to block it.
“Mr. Duterte thought he could evade justice by doing everything to stop the ICC, withdrawing our nation from its jurisdiction and harassing the delegations sent here. But all Mr. Duterte has proven his fear of finally being brought under the law. Let this be an example of how no one is above the law,” Rosales said.
Rosales however warned against declaring an early victory, as she says “the fight is still far from over” in the potential case to be filed against the administration. “Now that Mr. Duterte has his hands tied, we must be vigilant of his next actions. He may become a fake democrat, submitting himself to due process in a false show of goodwill; or he could become even more ruthless in his violations of human rights, now that he has nothing to lose,” Rosales cautioned.
“All the same, the fight is still far from over in holding Mr. Duterte accountable, and now more than ever we must keep up that fight,” Rosales added.