Advertisers
PATAY ang isang tulak nang makipagpalitan umano ng putok sa mga pulis, habang 37 drug pushers ang dinampot sa buy bust operation sa magkakahiwalay na lugar sa Cavite.
Kinilala ang napatay na si Joel Enriquez alias ‘Bano’ ng Barangay Muzon 1, Rosario, Cavite.
Sa ulat, 12:20 nitong Martes ng madaling araw nang magsagawa ng buy bust operation sa Brgy Ligtong 2, Rosario kungsaan target ang suspek.
Narekober sa suspek ang isang 9mm glock pistol at sachet ng shabu.
Samantala, 37a drug pushers ang binitbit sa magdamagang buy bust operations sa limang lungsod at tatlong bayan sa Cavite.
Nanguna sa listahan ng may pinakamaraming inaresto ng mga tulak ang Bacoor City (9); sumunod ang General Mariano Alvarez (6); lima sa Gen Trias City habang tig-4 ang Imus City at Naic, 2 sa Cavite City at isa sa Indang. (Irine Gascon)