Advertisers

Advertisers

Andrea mas gumanda nang mahiwalay kay Derek; Luis at Jessy na-bash sa pag-post ng P5-M engagement ring

0 228

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

 SA kabila na naba-bash ang celebrity couple na sina Luis Manzano at Jessy Mendiola sa kanilang posted piktyur na engagement ring nila na worth 5M, deadma lang sila.

Mas excited ang magdyowa na ibalita sa kanilang socmed account na engaged na nga sila sa wakas.



Sure ball na nga ang kasalan dahil mid-2021 ay magaganap na raw ang inaasahan ng lahat na kasalan nina Luis at Jessy.

Wish ng couple na kapag ikinasal na sila ay wala na raw sanang pandemic next year.

Ang katuparan nga raw na pagkakaroon ng apo at pagiging lola ng mudra ni Luis na si Vilma Santos ay magaganap na sa susunod na taon.

***

ISANG buwan na split sina Andrea Torres at Derek Ramsay pero happy at thankful ang aktres at naka-move on na raw siya.



Nagpasalamat din si Andrea dahil ligtas sila ng kanilang pamilya sa Covid at dahil sa pandemic ay maraming bonding moments sila ng kanyang family.

Sa kabila na loveless si Andrea ngayon eh ibinalita nito sa kanyang socmed na masaya at nagpapasalamat siya dahil may bago nang pagtutuunan ng atensyon.

Marami rin ang nakapuna na kahit loveless ay tila mas gumanda at naging blooming ang sexy actress.

Sa pagtatapos ng taon ay may project na ginagawa si Andrea, ang Legal Wives at sa susunod na taon ay magiging busy na ito dahil sa bago nitong proyekto under GMA.

Kaya kahit loveless at malamig ang Pasko ay may bagong pagkakaabalahan si Andrea.

Well, well, well…’Yun na!