Advertisers
Ni PETER S. LEDESMA
ATAT na ang mga producer na gawan ng pelikula si Alden Richards. Pano, halos 1 billion ang kinita ng movie ni Alden sa Star Cinema na “Hello, Love, Goodbye” opposite Kathryn Bernardo na dinirek ni blockbuster lady director Cathy Garcia-Molina.
Ang movie na ito ang kauna-unahang Pinoy film na ipinalabas sa isang malaking sinehan sa Dubai at hanggang ngayon ay kumikita ang Star Cinema sa video release nito.
We heard na si Bea Alonzo raw ang target ng producer na itambal kay Alden at baka mauna pa ito sa pinaplano ng Star Cinema na reunion movie nina Bea at John Lloyd Cruz.
Saka nagkasama na sa isang shampoo endorsement sina Alden at Bea kaya magkakilala na sila. Well, kapag natuloy ito tiyak na tiba-tiba na naman ang Star Cinema. Yes, nasa Star Cinema pa rin si Bea kahit na umalis na ang actress sa Star Magic. At if ever na hindi na siya bibigyan ng project ng Star Cinema ay pwede naman si Bea sa Viva Films at taga-Viva ang bagong manager ng magandang aktres na si Madam Shirley Kuan. Pwede namang magsosyo ang Viva at ang mother movie outfit ni Alden na GMA Films. Pinoy adaptation daw ito ng blockbuster Korean movie na “A Moment To Remember.”
Sobrang nakakaiyak daw ang film na ito. Speaking of Alden, very successful ang first big Virtual Concert nito na sinuportahan ng AlDub Nation nila ni Maine Mendoza.
***
First Major Solo Virtual Concert Ni Myrtle Sarrosa Mala-Hollywood Ang Peg, Atty. Fer- die Topacio Pinaiyak Ang Viewers Sa Themesong Ng “Mamasapano” Movie
Mala-Hollywood ang peg ng set design sa first major solo concert ni Myrtle Sarrosa na “Still Love Me” sa Teatrino Promenade, Greenhills last Nov. 28 via digital na marami ang nanood kaya successful na maituturing.
Ito ang first concert venture ng Borracho Film Production ng malapit kay Myrtle na si Atty. Ferdie Topacio. Yes, animo’y foreign artist ang dating ni Myrtle habang nagko-concert na ilang beses nagpalit ng outfit na classy with back-up dancers and live band.
Production wise, direction, and performance mula simula hanggang ending ay panalo ang said concert ni Myrtle. Nakaagaw pansin ‘yung duet nina Myrtle at Gerald Santos ng theatrical
peace na themesong ng “The Phantom Of The Opera,” na parang nanonood ka ng international stage play.
Ilan pala sa mga kinanta ni Myrtle sa concert ay ang Label, Nasaan Ka Na, Tadhana, Heartbroken na composed ni Myrtle. Kinanta rin nito ang kanyang hit revival song na Mr. Kupido at ang popular na kanta ni Moira dela Torre na “Titibo-Tibo.”
Kakaiba rin ‘yung special number ni Atty. Ferdie na kinanta naman ang themesong ng kanilang movie na Mamasapano” na may titulong “Aking Mahal” na ang Lawyer for All Seasons ang nag-composed katuwang ang kaibigan nitong si Cristy Fermin.
Dahil sa lyrics nito about dying soldiers ay maraming viewers ang pinaiyak ng singing attorney. Si Rommel Ramilo na manager ni Gerald Santos ang nagdirek ng Still Love Me.
In all fairness, ang husay ng directorial job niya. Sa mga fans ng Kapuso singer-actress (Myrtle) sa Cebu, pangako ni Atty. Ferdie, next year 2021, mapapanood niyo ang inyong idol sa sikat na hotel na Waterfront.