Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
IKINAGULAT ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang isa sa mga naging wish ni Zia Dantes nang ipagdiwang nito kamakailan ang kanyang 5th birthday.
Natatawang ibinahagi ni Marian ang isa sa mga birthday wish ng panganay niyang si Letizia “Zia” Dantes na ikinagulat niya…
humihingi na raw si Zia ng isa pang kapatid!
Mahigit isang taon pa lamang ang nakararaan nang isilang niya ang bunsong anak na si Jose Sixto “Ziggy” Dantes IV.
“Gusto niya raw magkaroon ng kapatid. O, ‘di ba, ng kapatid pa. Diyos ko,” natatawang sabi ni Marian.
Noong November 23 ay ipinagdiwang ni Zia ang kanyang ika-limang kaarawan at sinorpresa siya ng kanyang mga magulang ng compilation ng video greetings mula sa kanyang mga idolo kabilang sina singer-actress Sarah Geronimo, vloggers na sina Ranz, Niana, at Natalia, at Kaycee at Rachel.
Kita sa ini-upload na pictures sa social media ng daddy niyang si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes kung gaano siya kinilig dahil sa natanggap na greetings mula sa mga ito.
Si Marian daw mismo ang naghanda ng munti ngunit memorableng sorpresa para kay Zia.
Bukod dito, nagkaroon din sila ng intimate and fun-filled celebration sa bahay.
Sa kabila ng pagka-busy ni Marian sa Tadhana show niya sa GMA at negosyo niyang Flora Vida at Flora Vida Home ay ulirang hands-on mom si Marian.
***
LAST Friday, December 11, bumisita ang indie-turned-mainstream actor at Gawad Urian Nominee 2020 na si Royce Cabrera sa GMA Network Center upang pumirma ng kanyang official co-management contract with GMA Artist Center.
Inamin ng promising young actor na magkahalong kaba at saya ang kanyang naramdaman sa bagong career milestone, gayunpaman, tinatanaw niya ito bilang isang malaking pagkakataon para maipakita niya ang kanyang talento sa mga Kapuso.
“Sobrang nakakatuwa, una kinakabahan talaga kasi siyempre panibagong mundo ‘to ‘eh. Pero siyempre at the same time nakakatuwa kasi ‘yung pag-welcome pa lang nila sa’kin dito, ramdam ko na ‘eh, talagang solid, solid.
“Kaya sabi ko ‘Thankful, thankful talaga ako na ibinigay ako dito, thankful ako sa mga bosses na nagtiwala sila sa’kin kaya sobrang pasasalamat ko sa kanilang lahat,'” aniya.
Ang manager ni Royce na si Dudu Unay ang nagsilbing tulay para siya ay makapasok sa Kapuso Network.