Advertisers
Ni JOVI LLOZA
ANG pag-appear ni Richard Yap bilang celebrity player sa ‘Bawal Judgemental’ ang unang katibayan ng paglundag niya sa Kapuso Network.
Nataon pa na pandemic kaya ang pagbulaga ni Richard sa Eat Bulaga ay sign ng kanyang pagtawid sa kabilang istasyon.
Knows naman ng kanyang followers na sa ABS-CBN ito nabigyan ng big break.
Nakilala ito bilang si Mr. Chen sa Binondo Girl at mas lalo pang tumatak sa Be Careful With My Heart na dalawang taon napanood ang serye.
Pinaka-huli na ang serye na Kadenang Ginto na nilabasan ni Richard sa Kapamilya.
Kaya hindi na raw dapat magtaka pa ang netizens kung makita si Richard sa GMA7 dahil finally ay nakita na nga ang pagpirma niya ng kontrata sa network.
Kung ang iba nga raw Kapamilya na bata pa lang ay artista na sa network ay naglipatan, si Richard pa kaya at ayon sa followers nito, need lang ng work ni Yap at huwag na nga raw intrigahin.
Kapuso na nga ang 53-year-old actor at excited ang kanyang fans kung kanino ba ito ipapareha.
Abangan!
***
SA isinagawang vlog ng mag-inang Kris Aquino at Bimby ay nag-trending na naman ito.
Open book kasi na maraming na-link sa mudra ni Bimby na ang iba ay nauwi sa relasyon at hiwalayan.
Nagtanong si Bimby kung sino ba ang tatlong lalaki na kinainlaban ng nanay nila ni Josh na hindi guwapo.
Ibinulong ni Bimby kung sino ang tatlo na na-in-love ang kanyang Mommy Kris.
Hindi nga raw kinaya ni Kris ang pambubuking ng bunsong anak at marami naman naaliw na netizens sa vlog ng mag-ina.
Limang lalake naman ang nakarelasyon ni Kris at dalawa rito ay ama ng kanyang mga anak, sina Phillip Salvador na ama ni Joshua at James Yap na ama ni Bimby.
Ang iba pa na nakarelasyon ni Kris ay sina Robin Padilla, Herbert Bautista at Joey Marquez.
Well, well, well…’Yun na!