Advertisers
Ni Blessie K. Cirera
MASAYA ang “Princess of Love Songs” na si Diane de Mesa sa natanggap na parangal mula sa nagdaang 33rd Aliw Awards, ang “International Multimedia Talent of the Year” award.
Singer-songwriter si Diane na nakabase sa Amerika. Si Michael ‘Miko’ Villanueva na tumatayong manager ni Diane ang tumanggap ng kanyang award dahil nasa ibang bansa siya. Nanghihinayang nga si Diane at hindi ito nakarating sa gabi ng parangal.
Ang Princess of Love Songs ang kauna-unahang recipient ng “International Multimedia Award of the Year” at mula sa kanya ay taun-taon na ang pagpaparangal sa mga artist na naka-base sa ibang bansa.
Nakapag-release na si Diane ng 4 na albums, tatlo rito ay puro original compositions niya (“Fly Away” 2011, “Heartstrings” 2013, “Only for you” 2016, “With love” 2019).
Si Diane rin mismo ang nagsulat, nag-produce, nag-record, edit at mix ng kanyang mga kanta. Pati ang mga video ay siya rin mismo ang gumagawa at nag-e-edit.
Bukod sa pagiging singer-songwriter ay aktibo rin si Diane sa live band gigs sa Amerika, kung hindi pandemya. Busy rin si Diane sa mga virtual concerts via Facebook at YouTube live sa Amerika na siya rin mismo ang nag-organisa at nag-edit ng lahat ng produksyon nito.
Marami ring naging musical collaborations si Diane mula sa mga musician at artista sa iba’t ibang dako ng mundo na mapapanood sa kanyang YouTube channel.
Bukod pa rito ay isang Registered Nurse si Diane sa Amerika. Bilib nga kami at napagsasabay niya ang musika sa kanyang busy na buhay.
Mahilig din si Diane na magluto at mag-bake at nakikita namin sa social media ang ilan sa mga putahe na kanyang niluluto. Multi-talented talaga si Diane!
Congratulations, Diane at more blessings to come! Pakinggan at i-download ang mga awitin ni Diane sa Spotify, Apple Music, at YouTube music at i-follow at mag-subscribe sa kanyang YouTube channel, Instagram, Facebook page (dianedemesamusic) para maging updated sa mga kaganapan nito.