Advertisers

Advertisers

Iba ang Pinay

0 357

Advertisers

Pa-good vibes naman muna tayo, and this time papurihan natin ang ating mga kababaihan na kung tawagin ng karamihan ay “Pinay”.

Dangan kasi, nabasa ko ang nalathalang ulat ng Statista, isang kompanyang eksperto sa marketing at consumers, na base sa bansang Germany, na ang sabi ang ating mga kababaihang Pinay ay pangalawa sa pandaigdigang kagandahan, kung ang paguusapan ay mga patimpalak o mga internasiyunal na kompetisyong pangkagandahan.

Binase ng Statista ang kanilang mga datos sa apat na pinaka-kilalang beauty contest gaya ng Miss Universe, Miss World, Miss International at Miss Earth. At alam niyo ba kung sino ang laging wagi sa mga patimpalak na ito?



Bukod sa Venezuela na number one sa listahan sa pagkakaroon ng 23 panalo o titulong nakuha. Pumapangalawa rito ang Pinay na kapareho o katabla ang bansang America na may parehong 15 korona o titulo nang nakuha.

Sa pinaka-matagal ng beauty contest na Miss Universe na inorganisa ng America at Miss World na ang organizer ay ang bansang United Kingdom, di nawawala ang Pinay sa mga humakot na ng korona at titulo.

Sa Miss Universe lamang halimbawa, ang mga gaya ni Gloria Diaz (1969), Margie Moran (1973), Pia Wurtzbach (2015) at Catriona Gray (2018) ay ang mga Pinay na kinoronahan bilang Miss Universe.

At kung Miss Earth naman daw ang paguusapan, na tinatag lamang noong 2001 at laging idinadaos dito sa Pinas, hindi naman laging nakukuha ng Pinay ang titulo taon-taon. Walong taon matapos simulan ang patimpalak na ito, naging Miss Earth at nakoronahan din sila Karla Henry (2008), Jamie Herrell(1914), Angelia Ong (2015) at Karen Ibaso (2017).

Lalong mas marami tayong Pinay na nakoronahan sa Miss Interntional, gaya nila Gemma Cruz noong 1964, Aurora Pijuan (1970), MelanieMarquez (1979), Lara Quigaman (2005), Bea Santiago (2013) at Kylie Verzosa noong 2016.



Samantalang iisa pa lamang na Pilipina ang nakoronahan bilang Miss World. At yan si Mega Young noong 2013.

Labing-limang karangalan na nakuha para sa bansang Pilipinas na pawang mga ganda at talino ng Pilipina o Pinay ang pinanggalingan. Iba talaga ang Pinay.

Sabi nga sa kanta ni Florante na sumikat noong panahon ng Pinoy Rock, dekada 70 hanggang 80, “magaganda ang mga Pinay”. “Sa bahay man sila’y mahuhusay.”

Tunay naman talagang may angkin kagandahan at talino ang mga Pilipina. Ika nga di lang pang-laban sa beauty contest, kundi pang-pamilya pa. Hindi ba’t napakahuhusay ng ating mga ina ng tahanan.

Anumang suliranin, bagyo man o ano pa mang delubyo ang danasin, ay kakayanin maiangat lamang di lang ang sarili kundi ang lahat ng mahal sa buhay, kabilang na ang inang bayan.

Ibang iba ang Pinay at sigurado akong may mga Pilipina pang makokoronahan sa mga susunod pang mga beauty contest.