Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
AYAW pahuli ng singer-actress na si Zsa Zsa Padilla sa local celebrities na may vlog.
Patok sa netizens ang kanyang “Buhay ProbinZsa” na ipinasisilip niya ang sarap ng pamumuhay sa probinsya na malayo sa ingay, gulo at polusyon ng lungsod.
Sa kanyang vlog, ipinakikita niya ang adventures niya sa lalawigan ng Quezon tulad ng nature tripping, pagtatanim, pagluluto at iba pa.
Ani Zsa Zsa, enjoy daw siya sa paggawa ng vlogs dahil dito niya naipakikita ang kanyang kakaibang side na malayung-malayo sa napapanood sa kanya sa pelikula o telebisyon.
Aniya, may sarili rin daw siyang production team na katulong niya sa pagko-
conceptualize ng kanyang digital content.
Siya rin daw ang sumusulat ng konsepto ng kanyang videos.
Hirit pa niya, ayaw daw niyang tipirin ang kanyang vlog dahil gusto niyang laging satisfied ang kanyang followers.
Most watched sa vlogs ni Zsa Zsa ang pagluluto ng iba’t ibang putahe at pag-harvest ng ani sa kanyang organic farm.
Ito ang ilang reaksyon ng netizens sa kanyang vlogs.
“Yung sobrang ganda niya pero walang arte mag harvest.”
“The kind of retirement life everyone would want to experience. Nature, farm and organic produce. Healthy life.”
“I love that more people learn how simple and humble person you are. And funny too. You inspire us, Ms Z!”
“It’s good to watch a celebrity being down-to-earth. Hindi katulad ng iba, paganda lang ang alam gawin.”
Speaking of Zsa Zsa, napapanood pa rin siya sa ASAP sa Kapamilya channel.
Gayunpaman, aminado ang singer-actress na noong una ay nanibago siya dahil hindi na sila ‘live’.
“Noong una, nanibago ako kasi na-miss ko rin ang live audience,” aniya. “Pero, na-realize ko na para lang nag-flashback ako noong mga panahong nagpe-perform kami noong ’70s kung saan may times din noon na hindi rin ganoon ka-jampacked ang audience,” dugtong niya.