Advertisers
Ni PETER S. LEDESMA
TATLONG taon pa lang sa Youtube si Alex Gonzaga pero mahigit 9 million na ang subscribers nito at ang views, bawat episode ay humahamig ng milyong viewers from 1.5M hanggang 10M.
Lahat ng collab ni Alex kina Yorme Isko Moreno, DJ Loonyo, at Raffy Tulfo na may part 1 at part 2 ay na umabot na sa 14M at 16M views.
Malakas din ang vlog ni Alex tuwing kasama ang parents na sina Mommy Pinty at Daddy Carlito Gonzaga also her sister Toni at pamangking si Seve.
Patok din ang episode ng actress/comedienne/vlogger kasama ang fiance na si Lipa Councilor Mikee Morada at iba pa.
At dahil isa si Alex sa mga kilalang influencer sa social media ay dinudumog siya ng alok hindi lang sa telebisyon gayundin sa iba’t ibang product endorsements.
Ang latest endorsement niya ay ang SM Stores for Call to Deliver na very comfortable sa mga busy person.
Sa kanyang recording career naman ay baka sa 2021 na mag-record ng new single si Alex. Infairness, ‘yung pinasikat nitong OPM danceable song na “Chambe” ay pumalo na sa over 30 million views (still counting) sa Youtube.
Very lucky rin si Alex sa kanyang showbiz career at hindi ito nawawalan ng proyekto na magaganda.
***
Youtube Channel Ni Nora Aunor Monetized Agad In One Week, Nagpasaya Sa Kanyang Pasaya Sa Pa-Raffle Na Cash, Ilang Beses Din Nag-ayuda Sa Pandemya
Buhay pa rin ang Noranians all over the world kaya ang Youtube Channel ni Ate Guy na Nora Aunor Official, in one week time ay na-monetized agad ng Youtube sa 10K subscribers nito.
As of presstime ay road to 30K na ang nag-iisang Superstar. Palaki rin nang palaki ang viewers ni Ate Guy sa bawat episode ng live streaming at recently lang ay kasama ang anak-anakang publicist na si Rodel Fernando ay namigay o nagpa-raffle ng libu-libong cash si Ate Guy na makasasagot ng kanilang trivia question ni Kapatid na Rodel. Infairness, bagay silang tandem ng Superstar. Unang tanong ay kung saang school sa Bicol nag-aral ng hanggang Grade 6 si Ate Guy.
May nakasagot nang tama at tatlo ang nanalo rito. ‘Yung grand prize ay limang tig- 10K at ang nasabing pa-raffle ay maagang Pamasko na ni Ate Guy sa mga tagahanga at manonood ng kanyang channel.
Sa panahon ng pandemya na hanggang ngayon ay nararanasan pa rin ng maraming Pinoy at sa tulong ng mga kaibigang tagahanga ay ilang beses nagbigay ng ayudang relief goods at cash si La Aunor.
Among our actresses ay isa si Nora sa may malaking puso sa kanyang kapwa kaya kita niyo naman kahit nasa gitna tayo ng pandemya ay hindi nawawalan ng project ang multi-awarded actress.
Maliban sa kanyang teleseryeng “Bilangin Ang Bituin Sa Langit” sa GMA7 ay may bagong movie project si Ate Guy na “Kontrabida” na produced ng GodFather Productions at ang Isa Pang Bahaghari movie nito ay isa sa 10 official entries sa Metro Manila Film Festival na hinuhulaang hahakot ng major awards sa Gabi ng Parangal ng MMFF 2020.
Sa mga hindi pa nakakapag-subscribe sa YT channel ni Ate Guy, click niyo lang ang red button and pls. like and share na rin.
***
Segments Sa Eat Bulaga May Social Distancing, Bawal Judgemental Pinakapatok Pa Rin
Mukhang mula noon hanggang ngayon ay walang makatatalo sa bright mind and ideas ng mga old and new writers sa Eat Bulaga. Imagine, dahil sa Covid-19 na buhay pa rin ’till now at patuloy na ipinatutupad ang social distancing ay nakaisip agad sila ng segment na pwede nilang ilagay sa show at ipinanganak na nga ang Social Dis-Dancing at ang kakaumpisa pa lang na family Christmas carolling na Social Distan-Sing na hino-host nga ni Dabarkads Allan K with DJ Malaya and Bakclash grand winner Echo. Infairness may aliw factor ang mga said segments na daily napapanood sa EB.
Pero ang pinakapatok talaga nilang portion na mukhang walang sinuman ang makatatalo ay ang “Bawal Judgemental.” Maliban sa mataas na rating na nakukuha nito araw-araw ay parami nang parami ang sponsors. At malaking tulong ang Bawal Judgemental sa mga kababayan natin sa iba’t ibang lugar sa bansa dahil daily ay may mabibiyayaan ng malaking cash prize sa magiging home partner ng celebrity guest judge of the day.
Saka kay Bossing Vic Sotto pa lang at sa daughter nila ni Pauleen Luna na si Talitha ay panalo na ang viewers sa pakwela sa televiewers.