Advertisers
Ni Archie Liao
INAMIN ng Prince of Rhythm and Blues na si Jay R na crush niya noon ang kapwa singer na si Kyla.
Na-develop daw ang bonding nila mula noong pareho pa silang Kapuso.
Sey pa niya, crush daw niya talaga ang soul diva dahil maraming beses na silang nagkatrabaho sa mga proyekto.
Ang rebelasyong ito ay ginawa niya nang maungkat ito nang mag-guest sila sa “Magandang Buhay”kamakailan.
Ayon pa sa RnB Prince, nang mag-stay sila sa Pilipinas for good several years ago, ‘taken’ na raw siya at nasa long-term relationship na sa kanyang non-showbiz girlfriend.
Kaya raw noong na-meet niya si Kyla, hindi raw siya gumawa ng move na ligawan ito dahil nga committed na siya sa iba.
Hirit pa niya, ayaw din niyang mag-take advantage rito dahil malalim na ang naging pundasyon ng kanilang pagkakaibigan at maging bilang music partners.
“You know siyempre habang kapag nagkikita kami sa trabaho at parang naging idol ko na rin si Ky, medyo you know I was a little bit having a crush, but I couldn’t,” ani Jay R.
Dagdag pa niya, mas nangibabaw daw ang respeto nito kay Kyla kahit pa sabihing çrush niya ito.
Sa kaso naman ni Kyla, aminado naman siyang nagkaroon din siya ng crush kay Jay R, lalo pa’t weakness niya ang ‘tall and handsome.”
Ani Kyla, likeable rin daw ang personality ni Jay R at hindi siya madaling mahalin.
Masaya rin si Kyla dahil nakatagpo siya ng music partner na pareho ang interes niya pagdating sa kanyang propesyon.
“Nagkaroon din naman pero only for a very short time, kasi nasa tamang pag-iisip din ako. Kasi alam ko rin naman na (taken).”
Naging hot item din sina Jay R at Kyla dahil swak sila kapag nagpe-perform ng kanilang musical numbers.
Buong akala nga ng faney na may namuong romansa sa dalawa pero sa totoo lang ay matalik silang magkaibigan.
Ang kanilang pag-amin ay ginawa nila habang iprino-promote ang kanilang bagong awiting “Undeniable” na nagdodomina ngayon sa airwaves.
Ang latest collaboration nila na magkatuwang nilang sinulat ay tungkol sa kuwento ng magkaibigan na may lihim na pagtatangi sa isa’t isa.