Advertisers

Advertisers

Ruru at Shaira nahirapan sa training ng bagong aksyon serye

0 305

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

AMINADO sina Kapuso actors Ruru Madrid at Shaira Diaz na na-challenge sila sa kanilang face-to-face training para sa pagbibidahan nilang action-adventure series ng GMA Public Affairs na “Lolong.” Matatandaang sinimulan ng dalawa ang kanilang training virtually pero siyempre iba pa rin talaga pag face-to-face ang pagsasanay.

“Nakapag-train ako before pero kailangan mong i-refresh talaga. So, I think iyon po talaga ‘yung mahirap. Even ‘yung flexibility mawawala po talaga ‘yan that’s why kailangan pong i-workout namin,” ani Ruru sa kanyang interview sa 24 Oras.



“’Yung isa rin sa part na nahirapan ako ‘yung mga sipa. Dahil hindi nga ako masyadong flexible, nahihirapan po ‘yung legs ko na sumipa nang mataas, nawawala po sa balance,” kuwento naman ni Shaira.

***

LAHAT tayo ay nagnanais ng isang masayang pamilya. Pero paano kung dumating ang panahon na mamaalam na ang ama ng tahanan?

Ngayong Sabado, panoorin natin ang touching episode at totoong kwento ni Bing—isang ama na pinatunayan sa kanyang mag-ina ang walang hanggang pagmamahal niya.

Mayaman ang mga magulang ni Aly na sina Joji at Bing. Close rin sila sa isa’t isa kaya masaya ang kanilang pamilya.



Pero isang pagsubok ang dadaan sa kanila, magkakasakit si Bing sa puso at may diabetes pa. Naubos ang pera nina Aly sa pagpapagamot kay Bing. Ganun pa man, hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si Joji na gagaling o hahaba ang buhay ng asawa.

Hanggang sa isang araw, pinayuhan na sila ng mga doctor na iuwi na si Bing at sa bahay na alagaan. Nagtulungan ang mag-ina para maayos na maalagaan si Bing. Malaki ang pasasalamat ni Bing kina Aly dahil sa pagmamahal nito sa kanya. Di nagtagal, namatay din si Bing.

Makalipas ang ilang araw, laking-gulat ni Aly nang makatanggap siya ng email mula kay Bing. Paano ito nangyari gayong wala na ang kanyang ama?! Maisakatuparan kaya niya ang huling bilin nito?

Ngayong Sabado, December 19 sa GMA, tunghayan natin sa Magpakailanman ang espesyal na Christmas presentation na “MY EVERLASTING LOVE: THE JOJI AND ALYSSA MENDOZA STORY”. Itinatampok sina Barbie Forteza bilang Aly, Isay Alvarez bilang Joji at Robert Seña bilang Bing.

Mula sa mahusay na direksyon ni Jorron Monroy, masusing pananaliksik ni Angel Lauño, at panulat ni Karen P. Lustica.