Advertisers

Advertisers

Ilang PBA players maglalaro sa Gilas Pilipinas

0 196

Advertisers

Posibleng may mga makakasama na ang Gilas Pilipinas na mga manlalaro mula sa PBA para sa paglahok nila sa 2021 Fiba Asia Cup Qualifiers sa Pebrero.

Ayon kay Gilas Program Director Tab Baldwin, sa nasabing buwan kasi ay break ng PBA kaya puwede silang makasali.

Sa ngayon aniya ay masyadong maaga pa kung ilan at sino-sino mga PBA players ang maaaring isama nila sa pagharap nila kontra South Korea at Indonesia.



Mayroon na kasing tatlong panalo at wala pang talo ang Gilas matapos na magwagi ang mga ito sa FIBA Asia qualifiers noong nakaraang buwan.