Advertisers

Advertisers

Lockdown sa Maynila, fake news!

0 232

Advertisers

Ito ang ginawang paglilinaw ng pamahalaang lungsod ng Maynila sa pamamagitan ng Manila Public Information Office (PIO) hinggil sa kumakalat na magkakaroon ng lockdown sa Maynila.
Ayon sa Manila-PIO, walang ipatutupad ang Manila LGUs na anumang lockdown o pagpapatupad ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa ilang barangay sa lungsod.
Kumakalat kasi sa social media at ilang mga pamilihan maging sa mga barangay sa Maynila na mayroong magaganap na lockdown sa Maynila dahilan para mabulabog muli ang publiko.
“Fake news po. Wala pong ganyang ipatutupad ang ang Manila LGU,” ayon pa sa paglilinaw ng Manila-PIO. (Jocelyn Domenden)