Advertisers

Advertisers

P/Brig.Gen. Paco ng MPD

0 463

Advertisers

Malugod nating binabati ang bagong talagang director ng Manila Police District (MPD), ang tinaguriang Manila’s Finest elite police force.

Si Police Brig. General Leo “Paco” M. Francisco na po ang director ng MPD vice Gen. Vicente Danao na ngayon ay director na nga ng NCRPO.

Isang mabait at magaling na opisyal ng pambansang kapulisan si Francisco at kilala bilang isang honest and strict police officer.



Inaasahang ipagpapatuloy ni Francisco ang program of reforms na inumpisahan ni General Danao sa paghubog sa kapulisan ng Maynila upang maging kagalang-galang at responsableng mga alagad ng batas na naglilingkod ng maayos at magalang sa mamamayan.

Dito umano nakatutok sa ‘internal cleansing’ ang focus ni Gen. Francisco bagamat aware ang mamang heneral na kailangang ipatupad ito ng may malawak na pang-unawa and on a case to case basis upang di naman ma-demoralized ang kanyang mga tauhan.

Naiintindihan natin ang masalimoot na trabaho ng mga pulis natin na sa tuwing lalabas ng kanilang tahanan ay mistulang nasa hukay na ang isang paa sa laki ng peligo na kanilang kinakaharap sa pagtupad ng kanilang trabaho sa araw-araw.

Alam din ni General Francisco na malaki ang inaasahan sa kanya ni Manila Mayor Isko Moreno lalo na ngayong Christmas season kung saan hindi lamang masasamang loob na inaasahang magsasamantala sa panahon ng Kapaskuhan ang kanilang binabantayan kundi ang pagsunod ng mga taga-Maynila at mga dumarayo sa nasabing lungsod patungkol sa safety and health protocols.

Ngayon ngang pandemic,batid ni Francisco na triple ang efforts na dapat gawin ng kapulisan sa pangangalaga sa katahimikan at kaayusan ng buong lungsod at masiguro na ang pangunahing health protocols sa social distancing, wearing of face masks, face shields ay masunod.



Bagamat wala pang ordinansa, sinabi ng heneral na hindi sila manghuhuli ngunit di naman sila magsasayang manaway sa mga di susunod sa mga protocols na ito.

Di rin nila palulusutin ang mga pasaway o yaong mga sinasadyang ‘wag sumunod sa mga ipinatutupad na health protocols.

Discretion na ito ng mga commander ng bawat presinto kung anong klaseng aksyon o approach ang ang kanilang ipatutupad.

Ang mahalaga, ayon pa kay Francisco, kapakanan ng mas nakakarami ang prayoridad at importante.

No more, no less!

Inaasahan din na ngayong panahon ng “holidays” ay di maiiwasan ang selebrasyon kung saan kasama ng dyan ang iba’t ibang klase ng social gatherings na tradisyunal na ginagawa ng mga Pilipino.

“Maximum tolerance” po ang ipatutupad ng ating police command ngunit kapag may nagreklamo po patungkol sa paglabag sa health protocols ay ating po itong aaksyonan gaya ng mga ordinaryong complaints na tinatanggap ng bawat presinto natin on a normal situation ,pahayag pa ni Francisco.

“Makakaasa ang bawat Manilenos at mga bisita ng lungsod ng isang ligtas,tahimik at mapayapang Kapaskuhan at Bagong Taon pagdiriwang.

Nakahanda ang buong MPD sa pagkakaloob ng seguridad at kaayusan sa mahabang selebrasyong ito during Yuletide season”,paniniyak pa ni Gen. Francisco.

With Gen. Paco Francisco at the helm of MPD, Mayor Isko and the rest of city’s almost 14 million residents can be assured of a peaceful, happy,safe and memorable holiday break.

Mabuhay ka Gen. Paco!

Keep up the great work sir!

***

PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com