Advertisers
UMISKOR ng nakamamanghang split decision si Reymart Gaballo laban kay Emmanuel Rodriguez ng Puerto Rico para maagaw ang interim World Boxing Council (WBC) bantamweight title nitong Sabado sa Mohegan Sun Arena sa Uncasville, Connecticut.
Ang 24-anyos Gaballo, na mandirigma mula sa Polomolok, South Cotabato, ay may iskor na 115-113 at 116-112 mula sa dalawang judges, habang ang third judge umiskor ng 118-110- pabor kay Rodrigues, na mas aggresibo sa boung laban.
Gayon pa man, sa panalo ay umangat si Gaballo sa perfect 24-0, una nyang tagumpay buhat na umiskor ng TKO win laban kay Chaiwat Buatkrathok ng Thailand nakaraang December 12,2019.
Si Gaballo ang napili bilang kapalit ni four-time champion Nonito “The Filipino Flash” Donaire na nagpositibo sa COVID-19 isang linggo bago ang laban.
Maliban sa WBC title, hawak din ni Gaballo ang interim World Boxing Association (WBA) bantamweight belt, na napanalunan via unanimous decision laban kay Stephon Young ng United States.
Ito ang ikalawang sunod-sunod na kabiguan ng dating champion Rodriguez sa 21 fights matapos mabigo ang international Boxing Federation (IBF) bantamweight belt sa knockout kay Japanese Naoya Inoue noong Mayo 2019.