Advertisers

Advertisers

Joy Claros ginulat ang Polish sa FIDE World Cadets

0 219

Advertisers

GINULAT ni April Joy Claros ang third seed Martyna Starosta ng Poland sa kanilang “Armageddon” tiebreak game para makapasok sa quarterfinals ng girls Under-14 FIDE World Cadets and Youth Rapid Chess Championship kahapon.
Seeded 14th out of 16 lang ang nakapasok sa knockout phase, ang 13-anyos Claros ay dinaig si Starosta sa second sa kanilang two-game duel para magtabla sa 1-1 all at manalo sa deciding game sa black pieces sa 55 moves ng Caro-Kann Defense para sa panalo at umusad sa quarter finals.
Napakalaking panalo para kay Claros, na nakapasok sa tournament via wildcard entry.
Hindi inaasahan ng incoming sophomore ng Far Eastern University-Diliman na umangat ng ganito kalayo matapos mabigo sa nag-iisang spot sa kanyang division kay Samantha Umaya sa national qualifier dalawang Linggo ang nakaraan.
Hindi naman pinalad si Michael Concio Jr. matapos yumuko kay Chinese Renjie Huang, 2-0 sa laro na ang National Chess Federation of the Philippines ay naghinala na gumamit ng engine assistance.