Advertisers

Advertisers

Kathryn dinepensahan ng celebrity surgeon sa retoke isyu; Alfred saludo sa husay ni Shaina

0 288

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

SI Cong. Alfred Vargas ang bida at producer ng pelikulang Tagpuan, isa sa official entry sa darating na MMFF 2020.

Dalawa ang leading ladies niya rito, sina Iza Calzado at Shaina Magdayao. Mula ito sa direksyon ni Mac Alejandre at sa panulat ni Ricky Lee.



Ayon sa interview ni Cong. Alfred sa Pep.ph, isa ang Tagpuan sa pinakapaboritong proyekto na ginawa niya dahil sa experience niya rito bilang aktor at producer.

Aniya pa, “Tapos, ang sarap mag-shoot sa Hong Kong, saka sa New York for the first time. Mahirap siya, in the sense na hindi namin alam what to expect tapos biglang magkaka-rally dito, biglang magkaka-rally doon. Pero ang ganda ng chemistry namin, e, nina Direk Mac, nina Shaina, Iza. Siguro, from it, dumali iyong shooting.

“Tapos, pag ano, ‘pag napapadaan iyong mga tao… sa Hong Kong saka sa New York, naaano sila. Somehow, mapi-feel mo, bilib sila sa Pilipino. I’ve never experienced Hong Kong and New York in that way. Kasi, usually, mga tourist experience tayo. Pero noong mismong na-immerse ako, sa film, sa character, saka sa New York, saka sa Hong Kong, hinding-hindi ko makakalimutan ito. It’s a dream-come-true to have shot a film in New York and in Hong Kong.”

First time nakatrabaho ni Cong. Alfred si Shaina at puring-puri niya ang dalaga.

“Si Shaina, medyo nakakagulat ‘yung performance niya dito. I was mesmerized by her performance. Kahit mismong take na, magkaharap kami… kahit ako, nagugulat pa ako, e. Parang… ‘Wow! Ibang Shaina itong nakikita ko.’ And she gave such a mesmerizing performance dito. And napaka-professional, never na-late. Walang kyeme-kyeme. Never nag-complain. Ang sarap niyang makatrabaho, and I hope makatrabaho ko pa siya sa ibang projects,”



***

NAGSALITA na si Kathryn Bernardo sa matagal nang espekulasyon na niretoke umano ang ilong niya.

Sa vlog ng cosmetic surgeon na si Aivee Teo, nilinaw ni Kathryn ang alegasyon. Ayon kay Aivee, palagi raw itong tinatanong kaya sinabi ng celebrity surgeon na hindi ito totoo. Sumegunda naman si Kathryn at sinabing na-enhance lang ang kanyang facial features matapos niyang pumayat. Sabi pa ng aktres na masaya siya sa ilong niya.

Aniya pa, walang masama sa pagpapa-enhance ngunit nilinaw nito na ‘natural beauty’ ang kanyang taglay.

“But if you want to have surgery, wala din namang problem doon… But for me, no, I did not have anything done. It’s all natural,” sambit ng aktres.