Advertisers
Ni NONIE V. NICASIO
IPINAHAYAG ni Keann Johnson na posible siyang ma-in-love sa bading. Si Keann ang isa sa bida sa MMFF entry na The Boy Foretold By The Stars, na tinatampukan din nina Adrian Lindayag, Iyah Mina, at Renshi de Guzman.
Aminado si Keann na may na-in love na sa kanyang babae at lalaki noong high school.
Wika niya, “Yes, there are few guys and girls who fell in love with me from time to time. Ayaw ko namang magmukhang guwapong-guwapo sa sarili pero during my high school days, I focus mostly on myself, my studies and I’m also pursuing my career, so I’m balancing both. Relationship wasn’t my one hundred percent focus at that time.
“Honestly, I’m heterosexual, but what I always say, I’m open to the fact na for example, I eventually do find someone attractive, I can be homosexual. That’s my stand point as of now.”
Sinabi rin ni Keann na posible siyang ma-in love sa bading. “Yes po, there is. Basta po mahanap ko ‘yung tamang tao para sa akin ay masaya na po ako,” sambit pa niya.
Tungkol sa dalawang high school students na nagkagustuhan ang pinaka-gist ng The Boy Foretold by the Stars, dahil ayon sa manghuhula ay magkakasama sila sa isang retreat.
Ayon sa direktor nitong si Dolly Dulu, perfect sina Adrian at Keann sa The Boy Foretold by the Stars dahil maganda ang chemistry nila at bagay sa sila bilang high school students.
Umaasa naman si Direk Dolly na mag-hi-hit ang kanilang entry sa MMFF at tatangkilikin ng millennial generation ang The Boy Foretold By The Stars dahil hindi lang ang mga beki ang tiyak na makaka-relate rito, kundi lahat na dumaan din sa teen-age love, during high school days.
Balita namin ay positibo ang feedback sa pelikulang ito dahil usung-uso ngayong panahon ng pandemya ang BL series.
Ang pelikula ay handog ng Clever Minds at ni Jodi Sta. Maria. Ayon kay direk Dolly, wala raw participation si Jodi sa pelikula. Purely producer lamang siya sa The Boy Foretold By The Stars.
Mapapanood ang The Boy Foretold By The Stars streaming worldwide sa upstream.ph simula December 25.
Para mapanood, mag-log on sa upstream.ph/mmff to reserve. I-click ang “pay” para makakuha ng ticket sa GMovies.ph, ang partner ticketing site. I-click ang “Create an Account” kung wala pang GMovies account.
Simula December 25, puwedeng mapanood ang pelikula sa “My Shows” ng iyong GMovies account.
Para sa updates, i-like at i-follow ang The Boy Foretold By The Stars sa Facebook at i-follow ang @clevermindsinc sa Facebook, Instagram at Twitter.