Advertisers

Advertisers

Nadine tinuluyang idemanda ng Viva sa paglabag sa kontrata; Vilma ang pagiging madasalin ang nagustuhan kay Jessy

0 284

Advertisers

Ni JOVI LLOZA 

HINDI makapaniwala ang netizens sa ibinunyag ng Star For All Seasons na si Vilma Santoss  tungkol sa kanyang magiging daughter-in law na si Jessy Mendiola.

Maraming netizens ang ‘di makapaniwala sa isiniwalat ni Ate Vi sa gf ng anak na si Luis Manzano.



Sa awra naman kasi ni Jessy, supladita ang peg nito kaya nagtaasan ng kilay ang netizens sa pahayag ni Ate Vi.

Sa pagbubunyag ng mudra ni Luis tungkol sa gf ay may mga kwalipikasyon daw ito na nagustuhan niya.

Una na nga ang pagiging madasalin ni Jessy at dagdag pa na kitang-kita ni Ate Vi na mahal nito ang kanyang anak.

Kaya nakikita ng Star For All Seasons na magiging maayos ang pagsasama ng dalawa  kapag naikasal na.

Answered prayer nga raw ang nalalapit na pagkakaroon ng apo ni Ate Vi na noon pa man ay pinagtutulakan na nito ang panganay na bigyan  na siya ng apo.



***

IISA ang opinyon ng netizens at manager ni Liza Soberano na si Ogie Diaz.

Nahaharap kasi si Nadine Lustre sa matinding problema matapos na lumabag ito sa kanyang kontrata.

Kaya kinasuhan si Nadine ng breach of contract ng Viva.

Ayon sa netizens, kahit sino raw na talent manager ay gagawin din ang ginawa ng Viva.

Imbes na masaya nga raw iseselebreyt ng aktres ang Pasko at New Year kahit paano dahil sa pandemya, sad tuloy ang dalaga dahil  sa pangyayari.

Kahit nga ang talent manager ni Liza ay napakomento hinggil sa isyu.

Ayon kay Diaz, kung nagpaalam nga lang daw si Nadine nang maayos ay wala sana naging problema ang aktres.

Naniniwala naman ang followers ni Nadine na kaya niya ang laban na ito na dumating sa buhay nito.

Well, well, well…’Yun na!