Advertisers

Advertisers

San Juan City hugas kontra Covid-19

0 295

Advertisers

Sa kapakanang-malasakit para sa kalusugan ng mga kalungsod laban sa COVID-19 ay nagpagawa ng mga HUGAS KONTRA COVID-19 WASH STATIONS na SYNERGY PROJECT ang mga bumubuo ng ROTARY CLUB OF MANDALUYONG-PASIG-SAN JUAN, DISTRICT 3800 (RC ManPaSan), ROTARY CLUB OF NEEDE, THE NETHERLANDS, DISTRICT 1560 at sa pangunguna ni SAN JUAN CITY.COUNCILOR JANA EJERCITO.

Ang SAN JUAN CITY ay ikinokonsiderang GROUND ZERO o ang EPICENTER ng COVID-19 sa ating bansa.., na ang kaunaunahang kaso sa hawaan ng COVID-19 ay nagmula noon sa PRAYER.ROOM sa GREENHILLS COMMERCIAL COMPLEX.

Sa paglala ng virus sa ating bansa na nagresulta sa mga COMMUNITY LOCKDOWN ay nagsagawa ng pag-aanalisa ang ROTARY CLUB of ManPaSan katuwang si COUN. JANA EJERCITO kung saan ay 4 na barangay ang kanilang kinakitaan bilang “high-risk covid areas” dahil sa dami ng papulasyong mga naninirahan at sa dami rin ng bilang ng mga nagkasakit ng covid-19.



Ang pagsuri sa sitwasyon ng mga barangay sa naturang lungsod ay isinagawa ng RC ManPaSan na nirepresenta ni PRESIDENT AILEEN PEREZ kasama si PAST PRESIDENT OSCAR BAUTISTA na siyang bumuo ng wash stations na may foot pedal at sa superbisyon para sa technical expertise ni CHARTER PRESIDENT JUN BERNAD.., na ang mga nilagyan ng HUGAS KONTRA COVID-19 WASH STATIONS ay ang WEST CRAME ELEMENTARY SCHOOL/ BRGY. HALL; BRGY. ONSE HALL; SAN PERFECTO BASKETBALL COURT, POLICE/FIRE STATION/ BRGY. HEALTH CENTER; at ang STA. LUCIA ELEMENTARY SCHOOL/BRGY. HALL.

Lubos namang pinasalamatan ni COUN. EJERCITO ang asiste at partisipasyon ng ManPaSan sa naturang proyekto na aniya ay malaki ang magiging katulungan sa mga tao na makaugalian ang pagiging malinis lalo na ang wastong paghuhugas ng kamay upang maiwasan ang mga virus na dulot ng COVID-19 PANDEMIC.

WHEELCHAIR BUHAY PAG-ASA PARA KAY REY!

Sa buhay ng tao ay dumarating ang mga pagsubok tulad ng mabibigat na karamdaman kung saan ay kinakailangan dito ang malasakitan ng mga kaibigan upang mabigyan ng kapag-asahan sa pamamagitan ng WHEELCHAIR ang sinumang taong naparalisa o na-stroke.

Sa pamamagitan ng RIZSPECT INTERNATIONAL EMERGENCY VOLUNTEER REACTION GROUP Inc na ang founder nito ay si E .V. JOJO VITERBO at isa sa mga miyembro rito ay si KNOTS ALFORTE na isang MEDIAMAN sa lalawigan ng RIZAL ay nagsagawa ng pamamahagi o nagsipagdonasyon ang mga ito ng WHEELCHAIRS at limang may kapansanan ang naging benipisaryo mula sa iba’t ibang bayan ng naturang probinsiya.



Isa sa mga nagbenipisyo ng WHEELCHAIR ay si REY CASTILLO ng ANTIPOLO CITY at dating kasama sa propesyon na naging REPORTER ng diyaryong BULGAR.., RADIO REPORTER sa DZEC at sa DZRH; kung saan, habang nagrereport on air sa katatapos na bagyong ONDOY noon ay bigla itong nag-collapse at na-stroke na nagresulta sa pagkakaparalisa ng kaniyang katawan.

Nitong nakaraang Sabado (December 19, 2020) ay tinungo ng RIZSPECT ang tahanan ni REY at ipinagkaloob ang WHEELCHAIR na sagisag bilang “BUHAY PAG-ASA” na maaari na siyang makalabas at makagala man lang sa labas ng bahay upang matanaw ang kaniyang kapaligiran.

Nitong nagdaang linggo, ang “tropang EASTERN” naman na grupo ng mga JOURNALIST na na-assign sa EASTERN METRO MANILA at nakasama rin ni kasamang REY CASTILLO sa nga news coverage noon ay nag-ambagan din at maliit man ang halaga ay naipaabot din ng grupo ang kanilang malasakit sa sitwasyon ngayon ni REY.., kaya, kasamang REY, sa pamamagitan ng WHEELCHAIR ay magawa mo sanang makapagpalakas muli at mapanumbalik ang iyong kalusugan, makatayo at makapaglakad para muli ka naming makasama kaibigan!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.