Advertisers

Advertisers

Bentahan ng promosyon sa BFP, talamak na nman

0 321

Advertisers

MARAMING senior fire officers (SFOs) ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang dismayadung-dismayado sa pamunuan ng ahensiya dahil hindi nasunod at pinairal ang tinatawag nilang “senior lineal listing” sa prosesyo at batayan sa katatapos na promosyon ng mga bumbero.

Ipinarating sa BIGWAS! ang impormasyong maraming SFOs ang hindi itinaas ang ranggo gayong marami sa kanila ay noong 1988 pa nasa BFP.

Pokaragat na ‘yan!



Totoo po ba ito BFP Director Jose Embang Jr.?

Ginoong Embang, ayon sa mga kaibigan ko sa Department of the Interior and Local Government (DILG), alam ni Secretary Eduardo Año na nagkaroon ng promosyon sa BFP.

Ngunit, hindi alam ni Año na mayroong mga SFO na hindi nakasama sa promosyon kahit kuwalpikado sila dahil noong 1988 pa sila naglilingkod sa BFP.

Ayon sa belewalang SFOs, ipararating nila kina Secretary Año at Senador Christopher Lawrence “Bong” Go hanggang makarating kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kabulastugang naganap sa promosyon sa BFP.

Ginoong Embang, ang reklamo ng mga beteranong bumbero ay iyong mga bumberong 1997 at 1998 ang itinaas ng ranggo ng pamunuan ng BFP.



Silang SFOs na noon pang 1988 sa BFP ay hindi raw napromowt.

Kung totoo ito, nangangahulugang dinaig nila ang mga bumberong nauna ng isang dekada sa kanila sa BFP dahil silang mga bata pa sa serbisyo ang siyang nakinabang sa promosyong isinagawa ng liderato ni Embang.

Kailangang ipaliwanag ni Embang kung bakit inungusan pa ng mga bumberong nagsimula noong 1997 at 1998 ang mga taong bumbero na noon pang 1988 nasa serbisyo.

Kapag nakarating ito kina Año at Go, pihadong mapuputukan si Embang.

Dapat hindi sumulpot sa reklamo ng mga SFO at makarating sa boss ng DILG at taong napakatagal nang pinagkakatiwalaan ni Duterte ang sinasabing lumang ‘raket’ sa BFP na “promotion for sale” dahil tiyak magpapaliwanag ang liderato ng BFP, partikular na si Embang.

Ang nangyari umano sa promosyon ay marami sa mga itinaas ang ranggo, kabilang ang ilang bagong Fire Inspector, ay pawang mga “Junior Fire Officer” (JFO) na ang ibig sabihin ay bago pa lamang sa serbisyo.

Ang masahol daw ay mayroong “Very Junior Fire Officer” na nakasama sa promosyon.

Pokaragat na ‘yan!

Paano magiging maayos at epektibo ang trabaho ang BFP kung ang mga matataas ang ranggo ay dyunyor ng mga bumbero?

Kailangan ng Pilipinas ng BFP na ang mga bumbero, kabilang na ang mga newly-promoted, ay kuwalipikado at maaasahan.

Ibig sabihin, may sapat na kaalaman, kasanayan at karanasan sa pagtupad ng trabaho, tungkulin at obligasyon ng BFP sa mamamayang Filipino.

Ginoong Embang, makabuluhan ang reklamo ng mga SFO.

Ginoong Embang, kailan po ninyong magpaliwanag kapag nakarating ang kanilang lehitimo at makabuluhang reklamo kina Secretary Año at Senador Go, lalo na kay Duterte.

Kailangang ipaliwanag ni Director Embang ang mga naging batayan sa isinagawang promosyon ng pamunuan ng BFP sa mga batang bumbero.

Obligadong ipaliwanag ni Director Embang kung bakit nabalewala ang mga SFO sa promosyong naganap.

Tiyakin ni Ginoong Embang na hindi totoo at walang umiral na bentahan ng promosyon sa BFP.

Aam po ninyo kagalang-galang na Ginoong Embang, pagkatapos ng promosyon, pumutok ang isyu ng mga Senior Fire Officer hinggil sa sinasabing “palakasan at pera-pera system” sa BFP.

Ayon sa sources, pumapala mula P50,000 hanggang P500,000 (depdende sa ranggo) ang perang ibabayad daw ng bumberong gustong tumaas ang ranggo.

Sa pagkakaalam ko, ilang ulit nang nabunyag sa media at nag-imbestiga ang Office of the Ombudsman at iba pang anti-graft agencies ang balitang “promotion for sale” sa BFP.

Maliban sa bentahan ng promosyon sa ranggo, talamak din daw sa BFP ang “position for sale”.

Pokaragat na ‘yan!

Matagal na ring nababalitang praktis sa BFP ang bentahan ng posisyon.

Ang proseso raw ay nagbabayad ang bumberong gustong maitalaga sa tinatawag na “juicy position” ng malaking halaga tulad ng “Fire Marshal”, o kahit hepe ng “Fire Safety Enforcement Section” ng isang lungsod.

Ang iba pang kalokohan sa BFP na nakarating na rin noon sa media ay ang promosyon umano sa mga fire officer kahit “election ban”.

Maging ang mga fire officer na hindi physically at mentally fit ay tumataas ang ranggo o nagkakaroon ng magandang posisyon, sa pamamagitan ng tinatawag ng mga bumbero na “fixing of promotions for favored applicants”.

Ang isa pang matindi na matagal na ring nakarating sa media ay ang raket na nagbabayad ng P30,000 hanggang P50,000 o higit pa, upang pumasa ang nag-aaplay na maging bumbero.

Pokaragat na ‘yan!

Ang totoo, ilan pa lang ang mga nabanggit na raket, o pinagkakaperahan sa BFP.

Kailangang linisin ni Director Jose Embang ang mga reklamo at kontrobersya sa mga raket sa BFP, sapagkat galit si Pangulong Duterte sa korapsyon.

***

Tumawag, o magtext, sa 0998 – 565 – 0271 para sa inyong reaksyon, o sumbong