Advertisers

Advertisers

Ex-sexy actor Mark Joseph, patay na

0 443

Advertisers

Ni  JULIET Q. PACOT

KAKABUGIN o hindi?  Ito ngayon ang palaisipan kung kaya bang pataubin ni Iloilo City beauty queen ang performance ni Miss Universe Philippines 2020 na si Rabiya Mateo sa gaganaping prestihiyosong patimpalak sa darating na Abril sa susunod na taon.

Kabado ang manok ng lalawigan na masungkit ang gintong korona sa Binibining Pilipinas 2021  bagama’t ayaw nitong padaig kay Mateo na nagpakita ng katalinuhan sa pagsagot sa question and answer portion, maging sa pagrampa nito sa entablado.



Sa ginawang panayam ng isang radio station  kay Miss Iloilo Binibini 2020 Karen Laurrie Mendoza, sinabi nito na mithiin nila ni Rabiya na maging drought breaker dahil ilang dekada na umanong butata sa  national crown ang Iloilo City.

Ipinagpaliban ang Bb. Pilipinas beauty pageant sa susunod na taon na orihinal sanang gaganapin noong Mayo dahil sa pandemic.

Layon din ng 24-anyos na Ilongga beauty  na maging pride ng mga Filipino na kahit mahirap at parang dumadaan sa butas ng karayom, pipilitin nitong masungkit ang korona kaya sa simula pa lang gagalingan na nito ang training at patutunayan sa harap ng publiko na pwede rin siyang palakpakan  gaya ni Mateo.

***

NAGDADALAMHATI na naman ang industriya ng pelikulang Pilipino matapos pumanaw  ang isang dating sexy actor  sa sakit na skin cancer.



Ang dating bold star na si Mark Joseph ay sumakabilang buhay sa edad na 63. Ayon sa kampo nito, nagkaroon ng skin cancer ang actor o si Ricardo Sarzuelo sa tunay na buhay.