Julia ayaw paniwalaan ng ‘lie detector test’ na 2 lang ang ex-dyowa; KathNiel at LizQuen, nakaumang na ang pelikula sa 2021
Advertisers
Ni JOVI LLOZA
TIYAK na magiging happy ang mga fanatic ng tambalang Liza Soberano at Enrique Gil o LizQuen at Kathryn Bernardo at Daniel Padilla (KathNiel).
Kung ang LizQuen ay ‘di masyado visible sa paggawa ng serye at pelikula samantala ang KathNiel ay meron naman serye na The House Arrest of Us na napapanood online.
Pero ayon sa bulung-bulungan ay may kinakasa na mga project sa dalawang magkaparehas na loveteam.
Kaya naman ang mga tagahanga ay matutuwa dahil ang idols nila na LizQuen ay gagawa ng pelikula next year.
Hindi naman papakabog ang KathNiel dahil kinakasa na rin ang serye na pagsasamahan ng magdyowa this coming year kaya tiyak na masaya ang kanilang mga tagahanga.
At dahil napapanood na ang mga programa ng ABS-CBN via A2Z kaya ang mga solid KathNiel mawa-watch na sa free tv para sa serye ng KathNiel.
Matapos na nga raw sana ang pandemic para magtuluy-tuloy na mapanood ang on at off cam na magkasintahan bukod sa pagiging loveteam na LizQuen at KathNiel na hahataw next year.
***
SA upload na You Tube ng mag-inang Marjorie Barrettto at Julia Barretto sa challenge, tinanong ng ina kung ilan ba ang naging ex nito.
Sabi lang ni Julia na 2 ex-boyfriends lang ang kanyang dating nakarelasyon.
Pero tila nadulas ang ina, pinagdiinan ni Julia na dalawa lang ang kanyang ex.
Kahit ang lie detector ay tila tumatanggi na dalawa lang ang ex ni Julia.
Samantala, open book naman ang isang naging ex ni Julia ay si Joshua Garcia.
At ilan pang na-link kay Julia ay sina Julian Estrada, Kenzo Gutierrez, at James Reid.
Dagdag pa si Gerald Anderson na ‘di pa malinaw sa netizen ang status ng kanilang relasyon.
Sa kabilang banda ay dalawa lang ang inamin na naging ex ni Julia na ayaw namang paniwalaan ng netizens at ng lie detector.
Well, well, well…’Yun na!