Advertisers

Advertisers

PH TAEKWONDO JINS RARING TO GO PARA SA OLYMPIC GOLD

0 272

Advertisers

DESIDIDO ang ating mga pambatong Pinoy jins na maka-arangkada na sa tunay na ensayo para sa kanilang nakatakdang paglahok sa final qualifying event na magiging tiket ng mga atleta para sa Tokyo Olympic Games sa Hulyo ng susunod na taong 2021.
Ayon kay Philippine Taekwondo Association (PTA) Regional head Stephen Fernandez, nais na ng mga best bets ng Philippine taekwondo ng aktuwal na training magmula sa virtual at online na ensayo lalo pa”t maikli na lang ang panahon ng paghahanda para sa qualifying kung saan isang hakbang na lang tungo sa pagtupad ng pangarap para sa bayan.
“Our best jins are raring to go for actual trainng for the first quarter of the year 2021.It’s almost around the corner kaya marapat nang magluwag ng panuntunan ang IATF para sa sports natin,” sambit ng dating Olympian at kasalukuyang Sports Director ng College of St.Benilde sa Maynila.”Ang Olympics ay minsan lang kada apat na taon at heto na naman ang pagkakataong matupad ang ating pinakamimithing Olympic gold na di pa nakamit sa napakatagal nang panahon. Let our athletes train asap ang go for the gold”.
Ang ating mga pambatong jins ay lalahok sa qualifying lahat sa sparring event.
Itinuturing na isa sa best hope ang taekwondo na makapkapitas ng gintong medalya sa Olimpiyada para sa Pilipinas bukod sa boxing.
Ang Tokyo Olympics sa Japan ay orihinal na nakatakda nitong nakaraang Hulyo 2020 pero dahil sa pandemya ay ni- reset ito sa 2021.(Danny Simon)