Advertisers
Ni PETER S. LEDESMA
KUNG may isang young artist kaming hinahangaan na world class ang dating, ito ay si Pauline Cueto na ilang years na rin naming nasusubaybayan ang singing career. Sa kanyang karera ay may mga napatunayan na rin si Pauline na aside sa kanyang first CD album na ang isa sa cut rito ay ang “Real Christmas” na pwede niyong ma-download sa Apple Music at Spotify, ilang concerts na rin ang sinamahan ni Pauline at dahil sa kilalang mahusay na performer ay favorite din siyang imbitahan sa mga Christmas party ng ilang publications.
Sumali na rin sa local and international singing talent search si Pauline at stand-out siya sa mga banyagang hurado. Ang Eat Bulaga at It’s Showtime ay dalawa sa mga sikat na noontime shows na sinalihan ni Pauline at napansin siya.
By the way, dahil sa Covid-19 pandemic ay na-miss ng said young artist ang pagpo-promote ng kanyang Real Christmas na tiyak na kaiinlaban niyo kapag narinig ang song na ito ng magandang daughter nina Sir Andy at Madam Mildred Cueto.
And for her age ay bagay sa kanya ang kanta. Bukod sa magandang boses, ang ganda ng lyrics ng Christmas English love song na ito na pwedeng i-level sa mga hit na Christmas song ng mga sikat nating local singers.
Isa pa pala sa importanteng tao na naaalala ni Pauline ngayong Pasko ay ang publicist na si Abe Paulite na namayapa last October na itinuring niyang kuya na malaking tulong sa kanyang mga publicity since nag-start sa kanyang showbiz career.
***
JC Garcia Heaven Sent Sa Masskara Dancers Sa Bacolod, Limang Public Officials Pinasalamatan Ang Fil-AM Singer
Maliban sa kanyang natal day, isa pa sa happiest moment in life ng Fil-Am Sanfo based recording artist-dancer na si JC Garcia ay ‘yung may mga napasaya siyang kapwa niya dancers na Masskara dance group sa Bacolod City.
Yes, para kay JC ay very memorable sa kanya nang magpunta sa South San Francisco ang grupo kasama ang 5 public officials ng Bacolod na present nang mag-perform sila sa Cultural Center of the Philippines sa Sanfo.
After ng event ay pumasyal sa bahay ni JC ang mga nasabing mananayaw at nagbigay ng testimony ang bawat isa tungkol sa kahirapang dinaranas sa Pinas.
Para mabigyan ng inspirasyon ang mga kapwa dancers ay nagkwento rin si JC ng mga pagsubok na na-encounter during his childhood na nang mamatay ang amang actor na si Bino Garcia na hiwalay sa kanyang Mama ay sobrang naghirap sila as in namumulot siya ng bote at bakal para may maipambili ng kanilang makakaing magkakapatid.
At paglaon ay sinuwerte siya at nakapag-training sa Metropolitan Theater sa Lawton, Manila sa isa sa pinakasikat noon na choreograper sa bansa na si late Lito Calzado ( ama ni Iza Calzado) and the rest is history at narating niya ang kinalalagyan ng singer ngayon na concert performer, recording artist, at may magandang trabaho sa Amerika.
Para makapagbigay ng suporta sa Masskara Dancers at lalong ma-inspire pa niya ang mga ito, hinayaan niyang kunin ng mga ito sa kanyang wardrobe closet ang mga mamahaling gamit tulad ng damit, jacket, bag, shoes, sinturon, etc.
Hindi lang ‘yan, nag-donate rin si JC ng Sound System sa Bacolod na worth 10,000 US Dollars. Kaya naman bilang pasasalamat sa kanyang donasyon na intended at exclusive for Masskara Festival Dancers from the winning barangay na ang event ay magre-resume na this 2021.
Bilang pasasalamat sa kanya ng said government officials sa pangunguna ni Mayor Bing Leonardia kasama sina City Administrator Em Ang, Liga ng mga Barangay President Lady Gles Pallen, Executive Assistant Tere Manalili at Jona Javier na Investment Promotion Officer ay inilagay o fineature si JC sa kanilang tabloid na circulated sa buong Bacolod. Sila ay mula sa Bacolod PIO o Public Information Office.