Advertisers

Advertisers

Isko sa mga umuwi ng probinsya: Swab test muna bago balik-Maynila

0 212

Advertisers

Kinakailangan munang magpa-swab test ang mga residenteng nagbakasyon sa kani-kanilang probinsya bago bumalik sa kanilang mga barangay sa Maynila.
Ito ay kautusan ni Mayor Isko Moreno Domagoso hinggil sa patuloy na paglaban sa pandemyang dulot ng COVID-19.
Aniya na kahit sa panahon ng Kapaskuhan, kailangang isailalim sa RT-PCR o swab test ang lahat ng Manilenyong magbabakasyon sa kani-kanilang probinsiya bago bumalik sa kanilang tinutuluyang barangay sa nasabing lungsod.
Ang abiso ay ginawa ni Manila Health Department (MHD) Acting City Health Officer Dr. Arnold “Poks” Pangan sa lahat ng Punong Barangay upang maiwasan ang muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Lungsod ng Maynila pagkatapos ng panahon ng Kapaskuhan.
Upang maiwasan aniya ang muling pagtaas ng kaso ng COVID-19, simula sa darating na Enero 2, 2021, ang lahat ng residente sa lungsod na manggagaling sa kanilang probinsiya ay kinakailangang sumailalim sa RT-PCR o swab test bago tanggapin sa kanilang barangay.
Sa mga magpopositibo sa resulta ay dadalhin sa mga quarantine facilities para sa mga confirmed COVID-19 cases habang ang may negatibong resulta ay bibigyan ng Medical certificate kalakip ang resulta ng kanilang swab test upang maipakita sa kanilang barangay.
Sa lahat naman aniya ng mga magpopositibong kaso na nasa mga quarantine facilities, ito ay hindi maitatala na kaso sa kanilang barangay. (Jocelyn Domenden)