Advertisers

Advertisers

Kathryn at Nadine, taob kay Janine sa Famas

0 304

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO 

SA kauna-unahang pagkakataon, isang documentary film ang nanalong best picture sa 2020 Famas Awards.

Ito ay ang pelikulang Aswang ni Alyx Ayn Arumpac na tumatalakay sa drug war ng administrasyong Duterte sa loob ng unang tatlong taon.



Naulit naman ang pagkapanalo ni Janine Gutierrez mula sa Gawad Urian dahil siya ang itinanghal na best actress para sa pelikulang “Babae at Baril,” na tinalo niya sina Nadine Lustre (Ulan), Kathryn Bernardo (Hello, Love, Goodbye), Bela Padilla (Mananita), Jean Garcia (Watch Me Kill) at Angelo Cortez (Jino to Mari) sa best actress category.

Tie naman sa best actor category sina Elijah Canlas (Kalel, 15) at ang yumaong actor na si Kristofer King (Verdict).

Wagi namang best supporting actor si Ricky Davao para sa “Fuccbois” samantalang si Dolly de Leon ang tinanghal na best supporting actress sa “Verdict.”

Ito ang kumpletong listahan ng mga nagwagi sa 2020 Famas Digital Awards.

Best Production Design: Eero Yves Francisco (Babae at Baril)



Best Screenplay: Glenn Barit (Cleaners)

Best Cinematography: Alyx Arumpac and Tanya Haurylchyk (Aswang) at Tey Clamor (Babae at Baril)

Best Scoring: Immanuel Verona (Babae at Baril)

Best Sound: Jet Leyco and Brian Gonzales (For My Alien Friend)

Best Editing: Fatima Bianchi and Anne Fabini (Aswang)

Best Short Film: Tokwifi (Carla Ocampo)

Best Documentary: Aswang (Alyx Arumpac)

Best Supporting Actress: Dolly De Leon (Verdict)

Best Supporting Actor: Ricky Davao (Fuccbois)

Best Actor: Elijah Canlas (Kalel, 15) and Kristoffer King (Verdict)

Best Actress: Janine Gutierrez (Babae at Baril)

Best Achievement in Direction: Raymund Ribay Gutierrez (Verdict)

Best Picture: Aswang

Fernando Poe Jr. Memorial Award: Angel Locsin

German Moreno Youth Achievement Award: Liza Soberano at Matteo Guidicelli

Dolphy King of Comedy Award: Pokwang

Dr. Jose Vera Perez Memorial Award: Boy Abunda

FAMAS 2020 Advocacy Directing Award: Neal “Buboy” Tan

FAMAS Lifetime Achievement Awardees: Ricky Lee (scriptwriting), Rox Lee (alternative cinema) at Armida Siguion-Reyna (industry development).