Kris umamin, ilang aktor ang nakursunadahan pero ‘di nag-flirt; Miss Manila nasampolan ng putak ni Willie
Advertisers
Ni JOVI LLOZA
HINDI pina-appear ni Willie Revillame sina Michelle Gumabao at Hipon Girl dahil sa isang beauty queen.
December 11 nang mag-commit ang Miss Manila na si Alexandra Abdon para maging guest co-host ni Wille sa kanyang programang Wowowin.
Kaya naman expected nung Lunes na ang beauty queen ang magiging co-host ni Willie.
Pero ‘di nito sinipot ang programa ni Willie at kung exposure raw ay grabe ang ibibigay ng Wowowin sa beauty queen.
Sinayang nga raw ni Miss Manila ang exposure nito sa socmed ng WWW na may 21-M followers dagdag pa ang 86-B na viewers all over the world.
Kaya naman imbudo si Willie sa ‘di pagsipot ng nasabing beauty queen.
Kaya sa live nito ay pinutakan si Miss Manila na kapag nag-commit ay dapat tuparin at be professional.
At ang hindi pa katanggap-tanggap ay tinatawagan nga raw ito pero nire-reject ang tawag ng staff.
***
GULANTANG ang netizens pero bumilib sa pag-amin ni Kris Bernal sa kanyang mga naging leading man na naging crush niya.
Kung kay Aljur Abrenica ay na-inlove at iniyakan ni Kris pero hindi naman iniadya na maging sila kahit pa inamin ng aktor na crush din nito si Kris.
Nabuo ang matamis nilang pagtitinginan nang magsama sila sa apat na serye sa GMA.
Sa kabila na hindi naging sila ni Aljur ay mabuting magkaibigan naman sa ngayon ang dalawa.
Nung bata pa ito ay hindi naman itinanggi ni Kris na crush niya si Rayver Cruz kaya nang magsama sa serye ay hindi makapaniwala si Kris na ang kaeksena nito ay ang kanyang crush.
Isa pa sa crush ni Kris ay ang nakasama niya sa Impostora na si Rafael Rossel, as in guwapong guwapo ito noon kay Raf dahilan para maging crush ito.
Ang huli na crush ni Kris ay si Jake Cuenca na walang kiyeme na sinabi ng aktres na naguwapuhan ito at mahusay umakting.
Unang nagsama ang dalawa sa Kontradiksyon at nasundan pa ito ng isang serye sa TV 5 na magkapareha sila.
Pero sey ni Kris, kahit daw crush niya ang mga naging leading man ay never daw siya nag-flirt sa mga ito.
Well, well, well…’Yun na!