Advertisers

Advertisers

Markelle Fultz lumagda ng $50-M sa Magic

0 184

Advertisers

HUMABOL pa ang Orlando Magic at Markelle Fultz upang magkapirmahan isang araw bago ang simula ng bagong season ng NBA.
Ito ay makaraang pumayag si Fultz ng tatlong taon na contract extension sa halagang $50 million.
Kung ipapaalala si Fultz ay dating No. 1 overall pick noon sa 2017 NBA Draft.
Samantala kabilang din sa naihabol na magkaroon ng extension sa Magic ay si Jonathan Isaac.
Habang wala namang nakuhang bagong offers sina Spurs guard Derrick White, Raptors forward OG Anunoby at Clippers swingman Luke Kennard.
Ilan pa sa mga sikat na players ang hindi rin nabigyan ng extensions sa kanilang kontrata ay tulad nina Lonzo Ball, John Collins, Lauri Markkanen, Zach Collins at Jarrett Allen.
Sinasabing pwede namang mauwi rin sila sa re-signing sa sariling mga teams pero maaari na silang pumasok sa restricted free agency sa katapusan ng season na ito.