Advertisers

Advertisers

TAONG 2021, MAKAKAUWI NA NG ‘PINAS SI GRAHAM LIM NG BAP

0 292

Advertisers

OPTIMISTIKO si sports icon Graham Lim at ang mga sumusuporta sa kanya through ‘thick and thin’ na ang taong 2021 ay kanyang panahon para makauwi na ng bansa upang ipagpatuloy ang kanyang buhay para sa better normal dito kasama ang kanyang pamilya.
Panahon na ayon sa kanyang mga taga-suporta mula sports community at concerned media upang bumalik ang naturang sports leader na dumanas ng injustice noong nakaraang administrasyon kung saan ang dating lady Justice Secretary ay idineklarang hindi isang Pilipino ang tulad ni Graham na dito ipinanganak, lumaki , nag-aral, nagtapos, naglingkod sa bayan bilang sports leader at nagkapamilya na namuhay nang marangal at law-abiding na mamamayan sa Pilipinas.
“Ang unfortunate na pangyayari kay Mr. Lim ay bunsod ng paninindigan niya sa prinsipyong hindi bibigay sa pressure ng mga maimpluwensya at oligarko na naglaway sa sikat na sports organization na Basketball Association of the Philippines( BAP) na nais nilang sila ang may kontrol kakutsaba ang mga corrupt official noon sa ating NOC at sa world basketball governing body na FIBA.,” wika ng isa sa mga sumimpatiya sa di makatarungang sinapit ni Lim na naging stateless sa higit nang pitong taon. “Iyong Kalihim na umapi kay Lim ay kasalukuyang nakakulong, iyon isa nama’y wala na sa puwesto sa Olympic family at iyong dalawang iresponsableng FIBA officials ay pumanaw at wala na sa mundo.”
Paniwala naman ng isa pang Graham-symphatizer na ang liham ng naturang BAP top brass kaugnay ng kanyang pagdurusang wala naman siyang kasalanan sa bayan ay nakarating na sa atensiyon ni Pangulong Rodrigo Duterte at Senator- sports enthusiast Christopher Lawrence ‘ Bong Go upang dito sa Pilipinas maharap at sagutin sa tamang forum ang mga ibinintang noon kay Graham.
“Marahil kung di nagkaroon ng krisis-pandemya ay nakauwi na si Graham sa Pilipinas sa atas ng Malacañang upang dito nya maipagtanggol ang sarili thru legal means. “sambit pa nang isang tunay na Graham supporter na di na nagpabanggit ng pagkakilanlan.
Pagsapit nang panahong naipaglaban na ni Lim dito ang kanyang legal na argumento ay panahon na rin na nagapi na ng siyensya ang salot na pandemya para namnamin naman nito ang buhay ng may tunay na kalayaang naipagkait sa kanya ng mga iskrupulus nang halos isang dekada.