Advertisers

Advertisers

BOLAHAN NA NAMAN!

0 250

Advertisers

WALA tayong tutol sa libelo, lalo na kung tunay na abusado ang isang mamamahayag.

Ang tinutulan po ng inyong lingkod ay ang aspetong kriminal ng batas na ito na dapat inamyendahan na at mas pinaluwag pa, para ang tunay na damdamin ng bayan – sa pamamagitan ng panulat at bibig ng mga lehitimong mamamahayag ay maisiwalat.

Kailangan ang matapang na publisher, mamamahayag at brodkaster sa paglalantad ng kabulukan sa pamahalaan at ito naman kung tutuusin ang isa sa mahalagang tungkulin ng media; ang maging tanod ng bayan sa laban sa katiwalian at mga buktot na gawain ng mga nasa gobyerno.



Alisin na ang pagpapakulong sa mga nasa media: Decriminalize libel, at ito ang trend sa ibang bansa at ang bunga nito, mas lantad at mas matapat na pamamahala sa bayan.

***

Sa isang taon ay umpisa ng kani-kaniyang porma at pakulo ang mga kandidato para sa 2022 elections.

Marami na ang nagpapakilala na sasabak sa pagka-senador at magpapahuli ba ang Liberal Party, hindeeee po!

Kahit ang mga lokal na kandidato, kani-kaniya na rin ng papogi at paramdam sa mga botante at asahan, early months ng taong 2021 lalo na ang Valentine’s Day, mangingitim ang langit sa dami ng isasabit na pagbati para sa mga magsing-irog at mga kasalang bayan na pakulo ng mayor.



Buti na lang talaga andyan palagi ang Comelec na siyang naglilimita ng airtime sa radio at TV ng mga kandidato at maging sa print media, pero ang tanong, paano mamomonitor ng maayos at tama ng poll body ang pagkampanya nila sa social network tulad ng Facebook, Twitter, You Tube, Zoom, Skype, at iba pang electronic media?

Kung tutuusin, may pagkakaiba pa ba ang mga kandidato halimbawa ng LP, NP, UNA at mga kandidato ng adminitrasyon – parang iisang “mukha” lamang sila na ang prinsipyo at paninindigan ay depende sa magiging pakinabang nila at depende sa kung sino ang nakaupo sa Malakanyang.

Pagbibiro ng isang kaibigan, tutal pare-pareho naman ang mga “kulay” ng mga kandidatong ito, daanin na lang sa tambiolo ang pagpili sa kanila, matipid pa, ganuuun?

***

May pakiusap ang netizens kay Sen. Manny Pacquiao, ‘wag na niyang ituloy kung meron man siyang ambisyon na maging pangulo.

Bakeeet? Si Sen. Pacquiao ay isang Christian, umatras na kayo sa ambisyon n’yo na sumali pa sa halalang alam natin na ang paraan para manalo ay: guns, goons at gold sa 2022.

May guns, goons at gold ba kayo? (Meron naman ata, hehehe?)

***

Kulang na kulang tayo sa pagmamahal sa ating bansa kaya hindi tayo magkaroon ng pambansang disiplina.

Tulad na lamang ng batas laban sa di-maayos na pagtatapon ng basura na sanhi ng pagbaha at mga kalamidad.

Sa bawat bahay ay gawing mandato na ihiwalay na ang mga nabubulok, di-nabubulok at nakalalasong basura.

Kung hindi mapaghiwalay ang mga basura ay multahan ang mga lalabag sa batas, tingnan kungdi maging malinis ang paligid.

Kasi nga, tunay ang paniwala ng mga politiko natin na “may pera nga sa basura” at ito naman ay totoo kaya sila ay nagsisiyaman katulad ng mga kontraktor nila, habang nilalason nila ang kapaligiran.

***

Uulitin ko, kung walang impormasyon ang mga nasa media, paano malalabanan ang kurapsiyon at kabulukan sa pamahalaan.

Paano uusigin ang mga tiwali kung wala tayong datos, mga dokumento upang maisiwalat ang kawalanghiyaan ng mga taong ating inihalal at pinagkatiwalaan, gets nyo na?

***
Mag-ingat: maraming namimigay ng pera ngayong Pasko.

Siguraduhing hindi peke ang tatanggaping pera.

Merry Christmas and a prosperous New Year to all!

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa bampurisima@yahoo.com.