Advertisers

Advertisers

MGA BENEPISARYONG MARALITA GINAGALUGAD NG PCUP!

0 297

Advertisers

Saludo ang ARYA sa ipinapakitang malasakit sa mahihirap na sektor ang PRESIDENTIAL COMMISSION ON URBAN POOR (PCUP) sa pamumuno ni UNDERSECRETARY ALVIN FELICIANO dahil patuloy ang isinasagawa nilang pag-iikot sa buong LUZON para matagpuan ang mga benepisaryo ng OPLAN LIKAS PROGRAM na hindi pa nakatatanggap ng ayudang P18,000.

Aniya, ang ayuda mula sa gobyerno ay dapat matiyak na mapupunta sa maralitang sektor kung saan ay tuloy-tuloy pa rin ang PCUP CARAVAN sa paglilibot hindi lang sa NATIONAL CAPITAL REGION (NCR) kundi pati sa LUZON, VISAYAS at MINDANAO para sa pagkakaloob ng iba’t ibang oryentasyon at skills training.

“Ngayong taon po ay namahagi po kami ng tseke sa 832 benepisyaryo. Pinilit po natin matapos at maibahagi ito upang pangdagdag tulong lalo sa mga nawalan ng pangkabuhayan ngayong pandemya,” pahayag ni USEC. FELICIANO na siya ring CHAIRPERSON/CEO ng PCUP.



Ang lahat ng benepisyaryong nabigyan ng PCUP ngayong taon, ay 212 sa NCR; 122 naman ang sa Laguna; 90 katao sa Rizal; 82 sa Bulacan at 22 indibidwal sa Cavite.

Ayon sa Resettlement team ng PCUP, nagtatagal ang awarding minsan dahil hindi na mahanap ang ilang pamilyang nailipat sa relocation sites o may problema sa dokumento ang mga tao ngunit mas mabilis ngayon ang proseso at mas madali.

Upang hindi na mahirapan pa ang mga benepisaryo ay pinakiusapan ng PCUP ang LANDBANK para hindi na sila pupunta mismo sa Malacan~ang kundi sa malalapit na lamang na LANDBANK BRANCHES sa kanilang lugar.

Ang nasabing programa ay alinsunod sa disbursement ng INTERIM SHELTER FUND mula sa DEPARTMENT OF THE INTERIOR AND LOCAL GOVERNMENT (DILG) para maialis ang mga INFORMAL SETTLER na nakatira sa mga mapanganib na lugar tulad ng mga creeks at mga nasa tabing ilog.

WISH ng ARYA kay USEC. FELICIANO na ngayong pagpasok ng bagong taon ay marami pang mga lehitimong mahihirap na mamamayan ang maasistehan ng PCUP upang mabigyan ng tsansang maiangat naman ang pamumuhay ng mga MARALITANG SEKTOR na 10 KAHIG NA AY 1 TUKANG BIYAYA LAMANG ANG KANILANG NATATANGGAP…, ika nga, yung mga mahihirap na nagsasabing sila’y isang kahig isang tuka ay masusuwerte at hindi mabibilang ang mga ito sa sektor ng maralita, dahil kada kahig ay may biyaya agad silang nakukuha!



***

HEALTH PROTOCOLS SA QC HIHIGPITAN…

Sa dami ng mga nahahawa sa sakit na COVID-19 ay nananawagan si QUEZON CITY MAYOR JOY BELMONTE sa lahat ng mga residente na sundin ang mga panuntunang ipinaiiral para sa HEALTH PROTOCOLS.

“Keep in mind that we are all responsible for our health and the health of others around us, particularly our family, friends and loved ones. So we must act responsibly by obeying all health protocols so we can have a safe and happy Christmas celebration despite the pandemic,” panawagan ni MAYOR BELMONTE.

Labis na ikinabahala ng QC GOVERNMENT nang ang isang residente na empleyado sa PASAY CITY na kahit positibo sa COVID-19 ay nagdaos pa rin ito ng selebrasyon sa kanilang tahanan sa BRGY. TANDANG SORA na ikinahawa ng 19 nilang nakasama sa selebrasyon, kaya agad na isinagawa ang SPECIAL CONCERN AREA LOCKDOWN sa naturang lugar.

Bunsod nito ay mahigpit ang panawagang huwag munang magdaos ng anumang selebrasyon o social gathering ngayong HOLIDAY SEASONS upang maiwasan ang anumang uri ng virus.

Mula nitong December 14 hanggang nitong 20 ay nakapagsasagawa ng 2,197 test per day ang QC TASK FORCE ON COVID-19 na base sa pahayag ng HEPE nitong ahensiya na si JOSEPH JUICO ay nagagawa ang 1:24 na panununton ng kanilang CONTACT TRACING TEAM.., nangangahulugang mabilis nilang nagagawang matagpuan ang mga taong nagkaroon ng pakikisalamuha sa mga taong nagtataglay ng sakit na COVID-19.

Ayon kay JUICO, ang kanilang CITY GOVERNMENT ay preparado para sa pagsupil ng VIRUS, subalit kinakailangan aniya na mismong mamamayan ang mag-ingat para sa kanilang kapakanan lalo na ngayong HOLIDAY SEASON!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.