Advertisers

Advertisers

PASKONG PANDEMIC

0 865

Advertisers

“MABIGAT man ang mga pagsubok ng taong 2020, tuloy pa rin ang Pasko! Mula sa aming puso, masaya at ligtas nating ipagdiwang ang kapanganakan ni Kristo Hesus”.

Ito ang makahulugang mensahe na nakapaloob sa munting regalong alay ng mag- asawang Batangas City Mayor Beverly Rose Dimacuha-Mariño at 5th Congressional District Representative Mario Vittorio A. Mari?o sa mga mamamayang Batangueno.

Patuloy na ipinamamahagi ang pamaskong handog ng mag-asawa sa may tinatayang 100,000 na pamilya sa kabuuang 105 na barangay sa nasabing lungsod.



Sa pagpasok ng panahon ng Kapaskuhan ay sinimulan na ng mag-asawa ang pamamahagi ng grocery items na nakapaloob sa plastic gift box na ipinamigay sa bawat pamilya sa pakikipagtulungan ng mga barangay chairman, kagawad at mga opisyales ng mga ito.

Inaasahang hanggang sa araw ng Kapaskuhan ay makakatanggap ang bawat pamilya ng nasabing siyudad ng alay nina Mayora Beverly Rose at Congressman Marvey na nagsisilbing regalo sa kanilang mga kababayan sa Kapaskuhan sa gitna ng pandemya.

“Sa kabila ng ating mga pinagdaanang balakid ay naririto pa din tayo, patuloy na nakikibaka sa mga hagupit ng kalikasan at tadhanang kaloob sa atin ng Maykapal, ngunit kaya natin itong harapin at labanan basta’t tayo ay nagkakaisa at nananalig sa Diyos”, ang madamdaming pahayag ni Mayora Beverly Rose, anak ng undefeated ex- Batangas City Mayor Eduardo B. Dimacuha.

Iniisa-isang ginunita nina Cong. Marvey at Mayora Beverly Rose kung paanong itinaguyod ng mga ito ang pamamahala sa lungsod sa kabila ng sunod-sunod na kalamidad na rumagasa at nagpahirap sa kanilang mga mamamayan.

Sa ilalim ng panunungkulan ng mag-asawa ay magkakasunod na kalamidad ang naminsala sa lungsod ng Batangas: una ay ang pagputok ng bulkang Taal na nasundan ng paghagupit ng mga bagyong Quinta, Rolly, Siony, Tonio at Ulysess. Ang mga ito ay nag-iwan ng di matingkalang pagkawasak ng mga aria-arian at pagkasawi ng buhay ng mga mamayang Batangueño.



Bilang AMA at INA ng lungsod ay di nagpabaya sina Cong. Marvey at Mayora Beverly Rose, sa abot ng kanilang kapasidad ay tinutulungan ng mga itong bumangon sa pagkakagupo ang mga nasalantang mamamayan sukdulang ilagay sa panganib ang kanilang mga sariling kalusugan..

Ngunit higit sa lahat na dagok ng kapalaran na lubhang nagpalugmok sa mga mamayan ay ang pagkalat ng nakamamatay na virus mula sa Wuhan, China na COVID 19.

Batay sa pinakahuling estadistika umabot sa 64 ang namatay at may kabuuang 2,274 ang nakumpirmang positibo sa COVID 19 sa Batangas City. Ang mga naapektuhan ay sinuportahan ng Pamahalaang lokal sa panahon ng kanilang pagpapagaling.

Sa gitna ng pananalasa ng pandemya ay naipakita ng mag-asawang Kongresista at Mayora ang walang pangingiming pagtulong ng mga ito sa kanilang mga mamayan.

Lakas loob na sinuyod ng mga ito hanggang mga liblib na barangay para maghatid ng kanilang tulong tulad ng bigas, at iba pang pangunahing pangangailangan sa mga kababayang nawalan ng pinagkikitaan.

Lalong napamahal ang magkabiyak sa kanilang mga constituents nang ilunsad ng mga ito ang “pandesal para sa almusal” na inihahatid nang personal nina Cong. Marvey at Mayora Beverly Rose kasama ang EBD Team sa bawat pamilya sa buong kalunsuran.

Tumanggap din ng suporta mula sa Pamahalaang Lungsod maging ang mga may kakayahang mamamayan ng siyudad kayat mapa-mahirap at nakaaangat sa buhay ay nadama ang tunay na tatak ng serbisyong EBD, na sinimulan ni Mayor Eddie na ipinagpapatuloy naman ni Mayora Beverly Rose.

Ayon sa datus noong taong 2015 ay mayroon lamang 75,485 households sa kabuuang 329,874 na populasyon ng naturang siyudad, ngunit dahil sa malawang imigrasyon ay lumobo ang bilang ng naninirahan sa nasabing lungsod hanggang sa humigit-kumulang sa .5 milyon.

Umaabot naman sa 100,000 na pamilya ang pamalagiang naninirahan sa ibat-ibang barangay ng Batangas City na isang 1st Class at urban city ng bansa.

Lahat ang mga ito ay nagtatamasa ng biyayang handog ng mag-asawang Rep. Marvey at Mayora Beverly Rose kaakibat ng paggunita sa pagsilang ng Dakilang Mesiyas.

***

Para sa komento: Cp # 09293453199 at 09664066144, email: sianing52@gmail.com.