Advertisers
HINDI mahirap ipaliwanag ang nangyari kay P/SSgt Jonel Nuezca. “Nagdilim ang paningin” – ito ang palasak na paliwanag ng mga taong nakakagawa ng karumadal-dumal na krimen katulad ng kanyang walang awa na pagpaslang sa mag-inang Sonia at Frank Anthony Gregorio. Pansamantalang sinukuban ng kung anong demonyo ang kanyang pag-iisip. Nawala ang liwanag ng katwiran at naghari ang kadiliman.
Mas mahirap unawain at ipaliwanag ang mga pahayag ni P/Gen. Debold Sinas, hepe ng PNP, na pawang lihis sa katwiran. Kinukunsinti pa ni Sinas si Nuezca. Sa ganang kanya, may “karakter” si Nuezca kahit pumatay ito ng mag-ina na walang kalaban-laban. Mukhang hindi niya naiintindihan ang kahulugan ng karakter.
May pahayag si Sinas na hindi sang-ayon sa video recording ng operasyon ng mga pulis. Hindi siya payag sa pagkakaroon nila ng body camera. Pati si Sinas ay sinukuban ng demonyo. Ayaw niya sa transparency of operations? Mahirap niya unawain ang pagiging lantad ng mga pulis sa kanilang gawain. Dahil sa batikos, binawi niya ang pahayag.
Hindi alintana ni Sinas ang negatibong impresyon ng sambayanan sa PNP, ang institusyon na kanyang kinakatawan. Mukhang hindi alam niya na labis na nasusuklam ang mga mamamayan sa mga pulis. Sa ganang kanila, hindi masasandalan ang mga pulis. Mistulang sila na ang totoong kaaway ng sambayanan.
Ani Razel Lagman, isang netizen, sa kanyang post sa social media: “Noong panahon ni PNoy, tayo ang Boss nila. [Sabi nga ni PNoy: ‘Kayo ang Boss ko.’] Ngayon na panahon ni Duterte, alipin tayo. [Sila ang Boss natin.] These police officers are dangers to the Filipinos! Abusado talaga mga awtoridad ngayon dahil kay Duterte.”
Sana maintindihan ni Sinas na kinasusuklaman sila. Sirang-sira ang imahe ng PNP sa mga mamamayan dahil sa pang-aabuso. Mag-iingat sa mga pulis.
Balik tayo kay Nuezca. Kung pagbabatayan ang mga balita, hindi nakakataka kung magsumite siya ng please of insanity sa hukuman. Mukhang ito ang fast break ni Rodrigo Duterte sa kanya. Palabasin na pansamantalang nabaliw. Kaya nga tinagurian siyang “topak.”
Diyan rin naka-focus ang statement ng mga opisyales na pulis. Kulang na lang sabihin na may karapatan ang mamamatay taong pulis na maging baliw kahit paminsan-minsan. Huwag magtaka kung mayroon pahaging ng mga ganyang salita.
May batayan sa agham ang ganyang palasak na mga salita. Sa kanyang aklat sa emotional intelligence, kinilala ni Daniel Goleman, may-akda, ang tinatawag na “emotional hijack” kung saan nagiging inutil ang amygdala, isang bahagi ng utak, na iproseso ang mga pangyayari at dumating sa punto na nawawala ang katwiran.
Sa sandaling magkaroon ng emotional hijack ang isang tao, nagagawa niya ang hindi dapat gawin sapagkat balewala na ang katwiran. Hindi natin alam kung paano ipapaliwanag ng legal team ni Nuezca ang emotional hijack. Hindi natin alam kung paano tatanggapin ng hukuman ang ganyang paliwanag. Kaya abangan natin.
Ano ang nangyayari kapag mayroon emotional hijack? Narito ang paliwanag: “It happens when a situation causes your amygdala to hijack control of your response to stress. The amygdala disables the frontal lobes and activates the fight-or-flight response. Without the frontal lobes, you can’t think clearly, make rational decisions, or control your responses.”
***
ISINULAT namin ito noong 2017 pero magandang balikan sapagkat maaalaala natin ang iresponsableng salita ni Alan Peter Cayetano. Hindi namin alam kung bakit siya ang nanguna na ilubog ang bansa sa kahihiyan.
“When DFA Secretary Alan Peter Cayetano announced before the 36th session of the United Nations General Assembly in New York that the Philippines has 7 million addicts, he has virtually proclaimed the death of Philippine tourism. By saying that six out of every 100 Filipinos are drug addicts, Cayetano has virtually killed the Philippine tourism sector in a single blow. Who is the sane tourist who would visit our country?
“This is the problem with the government of the madman of the South. They always exaggerate the Philippine situation to generate support for its bloody but failed antidrug war. The madman and his minions could hardly understand the joint statement issued by representatives of the 39 of the 40 participating countries in Geneva shows the UN Human Rights Council’s condemnation of the antidrug war and the spate of extrajudicial killings (EJKs). No, the Philippines, in contrast to Cayetano’s claims, hardly scored any point in the UN meeting. Cayetano and his delegation left trhe country empty-handed and would return empty-handed. The global condemnation is still a big hurdle for them.
“It’s unfortunate that Cayetano’s irresponsible statements before the UN meeting could cause further issues and troubles for our country. It would appear that most of our troubles as a nation are self inflicted, arising from the stupidity and irresponsibility of our leaders. The unfortunate thing is that the sick old man of the South and clueless minions like Cayetano would view and even feel proud that our own failures are successes. Kawawang bansa.”
***
QUOTE UNQUOTE: “Dati ang mga panakot – manananggal, kapre, at aswang. Ngayon, pulis na!” – Marietta Yandoc, netizen
“This must be part of a systematic way to exculpate the killer of any guilt before the legal forum. First, they would condition the people’s mind that he is an addict. By doing so, they could even justify the bloody but failed anti-drug war. Daming adik kasi… The next step is to say he has gone insane to be followed by a plea of insanity. Their game plan is easy to know and decipher… Inferior Davao… Yes tatak Inferior Davao…” – PL, netizen
“He is a rogue cop. Period. He should have been punished for his past crimes as an officer of the law, a job he obviously is not fit for. Bato and others trying to find a way to soften his image before the public is nothing more than showing their failure to rein in this criminal.” – Eugenioe Ramos, mamamahayag at netizen
“We cannot afford to lose more lives because of impunity in the system, or the policies which lend to unpreparedness or abuse by law enforcement officials, including the use of firearms while off duty. One death is one too many.” Stella Quimbo