Advertisers
Patay ang dalawang menor de edad na magkakapatid nang malunod sa ilog sa Dingle Iloilo.
Kinilala ang mga biktima na sina Mike Glenn Pelingon, 10; at Jonex Pelingon, residente ng Calicuang, Dingle.
Sa ulat, naghuhugas ng motorsiklo ang ama ng magkakapatid kung saan hindi niya namalayan na umalis sa kanyang tabi ang mga anak nito.
Naligo at naglaro lang umano ang magkakapatid sa ilog ngunit dahil malalim ang tubig, nalunod ang mga ito.
Dinala pa sa ospital ang mga biktima ngunit inideklarang dead on arrival.