Advertisers
Limang araw pa bago sumapit ang pagdiriwang ng Bagong Taon ngunit mayroon nang naitalang sampung (10) fireworks-reated injuries na iniulat ng 61 sentinel hospitals sa pagdiriwang ng Holiday Season.
Ayon sa Department of Health (DOH), ito ay matapos madagdagan pa ng anim (6) na kaso ng paputok mula 6:00 ng umaga ng Dec. 21 ,2020 hanggang 5:59 nitong umaga ng Dec. 26.
Ayon pa sa DOH, ito ay 15 kaso o 60% na mas mababa kumpara sa 2019 at 49 kaso o 83% na mababa sa five-year average (2015-2019) ng kaparehong panahon.
Lahat umano ng sugatan ay dahil sa fireworks.Karamihan ay burn injury o pagkalapnos na nasa 60% habang sa eye injury naman ay 40%.
Nangunguna sa mga paputok na sanhi ng injury ay ang 5 Star, baby Rocket,Boga, bong-bong, fountain, rebentador, whistle bomb na tinuturing na illegal fireworks.
Mula sa nasabing bilang ng fireworks injury, siyam o 90% ang napauwi na rin sa kanilang bahay at hindi na kinailangan pang ma-admit sa ospital habang isa naman ang nanatili o na-admit sa pagamutan.
Kaugnay nito, wala ring iniulat na ingestion o nakalunok ng anumang uri ng paputok , bukod dito, wala ring stray bullet cases at death reported.(Jocelyn Domenden)